Rizal-coded Core: Higit sa face card at aesthetics ni Lolo Pepe
Hunyo 20, 2026 10:55 AM PHT
Marvin Evangelista
Rizal-coded Core: Higit sa face card at aesthetics ni Lolo Pepe
Hunyo 20, 2026 10:55 AM PHT
Marvin Evangelista
Kung napadpad ka sa mga kalsada ng Calamba kahapon, June 19, para sa Buhayani Festival Parade, siguradong napa-double take ka! Sabay sa ika-165 na Anibersaryo ng Kapanganakan ng ating Pambansang Bayani, naglipana ang mga Rizal look-a-like na OA sa face card at OA sa porma. May iconic hairstyle at get-up, may hawak na libro o anumang props. Main character energy talaga ang mga ferson, talagang they understood the assignment!
Pero bukod sa face card at aesthetics, ano nga ba ang dapat nating gayahin sa kaniya? Kung ibabalik natin si JP Rizal sa 2026, malamang na may mga bagay kung paano siya magpapaka-lodi sa gitna ng mga matitinding isyu ng bansa:
Resibo ng mga Proyekto
For today's videow, umulan lang nang kaunti, lubog na naman ang mga kalsada habang bilyon-bilyon ang pondo sa mga proyektong tila drawing lang base sa mga recent news.
Kung buhay si Rizal, hindi siya magiging nonchalant o mananatiling tahimik na lang habang forda tiis ang taumbayan. Gagamitin niya ang kaniyang tapang at talino upang papanagutin at uriratain ang mga iniluklok sa pamahalaan kung nasaan ang resibo ng kaban ng bayan. Dapat nating tularan ang kaniyang katangian na hindi basta sumusunod nang bulag, kundi nagiging kritikal na mamamayan. Omsim! No cap, fr fr!
Integridad at Bawas-Ego sa Politia
Samantala, malamang na napanood mo na ang mga bangayan at parinigan ng mga boss oma natin sa Senado maging sa mababang kapulungan kamakailan. Anyare? Tila naging bardagulan at teleserye na ang debate imbis na we let them cook sa mga makabubuti sa bayang mga batas.
Si Rizal ay kilala sa pagkakaroon ng matatag na disiplina sa sarili at integridad. Noong nagka-lalamat ang samahan nila nga mga kapwa niya Pilipino sa Espanya, pinili ni Rizal na magparaya at lumayo para hindi masira ang imahe ng kanilang kilusan. Ang aral para sa atin: tularan ang kaniyang prinsipyo na unahin ang kapakanan ng bayan bago ang sariling ego.
Tapang ng Panulat Laban sa Korapsyon
Mula noon hanggang ngayon, ang korapsyon ay isa pa ring mabigat na pasanin sa Pilipinas na nagpapahirap sa mga ordinaryong mamamayan—eguls talaga ang taumbayan!
Si Rizal ay hindi natakot na kalabanin ang mga abusadong opisyal noong panahon ng Kastila gamit ang kaniyang panulat. Ang kaniyang katapangan at matayog na prinsipyo ang dapat nating bitaw ngayon. Ang pagtulad sa kaniya ay nangangahulugang huwag tayong pumikit sa mga anomalya sa lipunan at gamitin ang ating boses para sa katapatan.
Pag-alay sa Kapwa sa Gitna ng Krisis
Bunsod ng korapsyon, patuloy ang pagbaba ng kalidad ng buhay at pagtaas ng bilihin ngayon na para bang hindi na tayo tatagos sa hirap! Kung buhay si Rizal ngayon, hindi siya basta chill lang at gagawa ng aksyon gamit ang kaniyang malalim na malasakit at pagmamahal sa pagkatuto para umakay sa kapwa.
Gaya ng ginawa niya sa Dapitan kung saan nagtayo siya ng libreng paaralan at nagturo ng agrikultura at negosyo, gagawa siya ng paraan ngayon para magbahagi ng dunong upang matulungang bumangon ang mga nasa laylayan. Dasurv ng lahat ang matuto at dasurv ng bawat mamamayan na makagawa ng paraan para ipanalo ang araw at iangat ang buhay!
Matalas na Isip Kontra Fake News at AI
Sa huli, sa panahon ngayon kung saan talamak ang fake news at naglipana ang manipulasyon gamit ang AI sa internet, madaling mabudol ang marami.
Si Rizal ay may matalas na kritikal na pag-iisip. Bago niya isulat ang kaniyang mga nobela, sinuri niya nang husto ang totoong estado ng lipunan. Kung siya ay nabubuhay ngayon, malamang na hamunin tayo ni Rizal na maging mapanuri sa katotohanan.
Kaya sa mga naki-hype sa parade: sino ang favorite Jose Rizal vibes ninyo? Maganda ang porma ng mga look-a-like natin, pero mas maganda kung ang talino, disiplina, at tapang ni Rizal ang ibibida natin araw-araw para ipanalo ang lipunan.