SAKALAMba
Kabuuang 36 medalya, binagahe ng Calamba sa RAAM 2026
March 21, 2026 6:00 PM PHT
Jadegero Jestoni Roque
Kabuuang 36 medalya, binagahe ng Calamba sa RAAM 2026
March 21, 2026 6:00 PM PHT
Jadegero Jestoni Roque
Ipinahili ng mga atletang Calambeño ang siyam na ginto, 13 pilak, at 14 tansong medalyang iniuwi—base sa partial and unofficial medal tally—mula sa naganap na Regional Athletics Association Meet (RAAM) sa Batangas City nitong ika-7 hanggang 14 ng Marso.
Tumampok ang maagos na performance ni Kassandra Kiersten V. Macaraig nang kumubra ng ginto sa 50-meter Long Course (LCM) ng Secondary Girls sa swimming na kaniyang nilagdaan ng 29.08 seconds—sapat sa 29.69 na Qualifying Time para sa Palarong Pambansa.
Sumisid din ng parehong pilak sa 100 LCM freestyle si Macaraig, at sa 4x50 LCM Freestyle Relay kasama naman sina Charlene Jade Ching, Krisha Mae Condes, at Francine Nicole Geronimo.
Bumida sa Men’s Artistic Gymnastics ang ngayo’y Palarong Pambansa qualifiers na sina Sherwin Austria (Elementarya) at Denz Gabriele Erasga (Sekondarya), na silang nagbulsa ng tig-isang ginto mula sa Individual All-around, at tig-isang pilak sa Vault.
Sumalisi pa ng dalawang ginto si Austria mula sa Vault and Floor exercise, at dalawang tanso naman ang iniambag pa ni Erasga mula sa Pummel Horse and Team.
Umani at hindi nagpahuli si Mark Jacob Villamar, estudyanteng elementarya, para naman pumostura sa tuktok ng podyum ng Vault and Mushroom, katumbas ng dalawang medalyang ginto—ngunit kinapos sa Individual All-around—dahilan ng pagkabukod ng winnings sa tally.
Natapatan din ng spotlight si Ivan Gubatan nang kumambyo para magtala ng 14.65-second run—special dahil may pasobra pa sa 15-second Qualifying Time para rumekta sa Palarong Pambansa.
Inangkin naman ni Loraine Batalla ang dalawang ginto mula sa 400m hurdles at 400m run.
Samantala, magbabalik naman si Kyle Macey Norte sa Palarong Pambansa na pumitas ng ginto mula sa Shot Put Throwing, na pinatunayang hindi hadlang ang pagiging parte ng Special Needs Education.
Nagningning din ang totally blind na bagamat no vision, ay pure precision na si Miane Ish Larino na pinanghawakan ang ginto sa shot put at bronze sa long jump.
Gaganapin ang ika-66 na Palarong Pambansa mula ika-24 hanggang 31 ng Mayo ngayong taon, sa probinsya ng Agusan del Sur sa Rehiyong CARAGA.
Information from: DepEd Tayo Calamba City