Adolescent Health and Development council, mas pinalakas
Teenage pregnancy sa lungsod, target tuldukan ng konseho
PEBRERO 23, 2026 8:00 AM PHT
Uriel Alger
PEBRERO 23, 2026 8:00 AM PHT
Uriel Alger
Aprubado at umuusad na ang reconstitution o pagsasa-ayos ng Adolescent Health and Development Council sa lungsod ng Calamba.
‘Yan ang tugon ng pamahalaan ng lungsod ng Calamba sa taon-taong pagbulusok ng bilang ng teenage pregnancy cases, at maging sa iba pang suliranin na kinakaharap ng kabataan.
Batay sa datos ng Commission on Population and Development (CPD), limang taon nang pinakamataas ang bilang ng teenage pregnancy cases sa CALABARZON kung saan, nito lamang 2024, naitala sa Calamba ang pinakamataas na bilang ng teenage pregnancy sa buong rehiyon na pumalo sa 7,275 reported cases.
Agad itong nakatawag ng pansin sa pamunuan ng Calamba, kung kaya’t isinulong ang Reconstitution of Adolescent Health and Development Council.
Sakop sa adolescent age group ang mga edad 12 hanggang 19.
Ayon sa Executive Order no. 2026-017, layunin ng nasabing konseho na magbalangkas ng mga polisiya’t programa, magsagawa ng situational analysis, manguna sa pagpaplano’t konsultasyon, at siguraduhin na maayos na nalilikom ang mga datos na may kinalaman sa adolescent population ng Calamba.
Bukod sa teenage pregnancy, aaksyunan din ng konseho ang iba pang suliranin ng
kabataan kagaya na lamang ng mental health, paggamit ng bawal na gamot, mga sexually transmitted infection, at iba pang may kinalaman sa kanilang social at medical well-being.
Pamumunuan ito ni Mayor Rosseler H. Rizal katuwang ng ating Vice Mayor Angelito “Totie” S. Lazaro Jr, at ng mga piling konsehal na magsisilbing members ng konseho.
Nakasuporta rin sa kanila ang binuong Technical Working Group (TWG) na siya namang kikilos upang maayos na maimplementa ang Adolescent Health and Development Program.
TINGNAN: