Bible week kick-off ceremony, matagumpay na isinagawa
ENERO 29, 2026 6:00 PM PHT
Grace De Los Reyes
ENERO 29, 2026 6:00 PM PHT
Grace De Los Reyes
Matatag ang paninindigan ng Calamba na ang bayang nanampalataya ay binibiyayaan.
CALAMBA CITY – LAGUNA. Naging mapagpalang araw para sa mga Calambeño ang naganap na kick-off ceremony para sa Bible week sa Calamba Coliseum nitong Enero 28, 2026.
Sa seremonya, ibinida ni Mayor Rosseler “Ross” H. Rizal, kasama ni Vice Mayor Lazaro, Congresswoman Hernandez, at dating Chief of Justice ng Supreme Court, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng moral na gabay sa panahon ngayon.
Kabilang sa programa ang mga kinatawan ng Iglesia ni Cristo (INC), Muslim, Katoliko, Christian groups, at iba’t iba pang mga rehilyosong organisasyon sa lungsod.
Alinsunod sa Republic Act No. 1163, ang huling lunes ng Enero ay itinaguriang ‘National Bible Day’ na ikinikilala ang bibliya o ang relihiyon bilang integral na bahagi ng nation building
Dagdag pa rito, sa ilalim ng City Ordinance No. 838 ng Calamba, idinidiin ang values-based leadership sa pamamagitan ng pagtatag ng moral enhancement program sa lungsod.
Samantala, namahagi naman sila ng bibliya sa mga dumalo ng seremonya.