Layunin
Natutukoy ang pang-abay at uri nito sa isang pangungusap.
Nakakabuo ng sariling pangungusap gamit ang pamanahon, panlunan, at pamaraan.
Pagtalakay
Pang-abay
tawag sa mga salitang naglalarawan sa pandiwa o salitang kilos, pang-uri, at kapwa pang-abay.
Halimbawa:
Maagang gimsing ang estranghero uapng magsaliksik sa internet.
Maingat noilang inilagay ang mga kagamitan.
Ibat- ibang Uri ng Pang-abay
Pang-abay na Pamaraan
tawag sa pang-abay na naglalarawan kung paano ginawa o gagawin ang kilos ng pandiwa
Halimbawa:
Dahan-dahang ipinahayag ng politiko ang kanyang mensahe (Paano ipinahayag)
Pang-abay na Panlunan
tawag sa pang-abay na naglalarawan kung saan ginawa o gagawin ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Ginawa niya ang paglalakbay sa ibat-ibang lalawigan. (Saan ginawa)
Pang-abay na Pamanahon
tawag s pang-abay na naglalarawan kung kailan ginawa o gagawin ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nararamdaman natin ngayon ang bunga ng ating pagbabaya s kalikasan. (Kailan nararamdaman)
Pagsasanay