Layunin
Nagagamit nang wasto ang kailanan ng pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.
Talakayin
Kailanan ng Pang-uri
1. Isahan – tumutukoy sa iisang inilalarawan.
Halimbawa: Maputi ang kulay ng balat ni Sarah.
2. Dalawahan – dalawa ang inilalarawan. Halimbawa: Parehong maputi ang kulay ng balat nina Sarah at Leila.
3. Maramihan – higit pa sa dalawa ang inilalarawan.
Halimbawa: Mapuputi ang kulay ng balat ng pamilya ni Sarah.
Pagsasanay