Pakikinig at Pagsasalita:
Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang pabula.
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan.
Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon (pagbati).
Pagbasa:
Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng mga bagong salita.
Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid.
Nakagagamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan (context; kasingkahulugan).
Nakasusunod sa nakasulat na panutong may isa hanggang dalawang hakbang.
Nahuhulaan ang paksa batay sa pabalat ng aklat.
Napagsusunud-sunod ang mga salita batay sa alpabeto (unang dalawang letra).
Pagsulat
Nakagagawa ng pataas pababang guhit at pataas na paikot na guhit.
Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon.
3. Sino ang mga tauhan sa pabulang ipinarinig ng guro?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
4. Sino ang nagpakita ng pagglanag? Paano niya ito ipinakita?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
5. Ano ang epekto ng kanyang pagiging magalang?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
6. Naranasan mo na rin ba ang ganito? Ibahagi ito.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Pagbuo ng Bagong Salita
Nakabubuo ito ng bagong salita kapag pinapalitan at dinaragdagan ang mga tunog.
Halimbawa: sunod - sugod - sugat
Pagsasabi ng Mensahe
Pahatid o ibinibigay na impormasyon, pasabi o bilin.
Lagyan ng tsek (/) ang patlang na nais ipahatid ng tula
_____1. Dapat laging gamitin ang "po" at "opo" kahit sino man ang kausap.
_____2. Bawat bata ay dapat na laging magalang.
_____3. Naipakikita ang paggalang sa pagkilos at pagsasalita.
_____4. Dapat igalang ang bawat isa, bata man o matanda.
_____5. Sa paggalang naipakikita ang pagsasaya.
Kahulugan
Inilalahad nito ang ibig sabihin ng salita.
Pamagat ng Aklat
Ito ang pangalan ng aklat. Ipinahihiwatig nito ang nilalaman ng aklat.
Halimbawa:
Batang Magalang
Ang batang magalang
Ay kinalulugdan
Ugali niya ay maganda
Sadyang kasiya-siya
Agad na bumabati
Sa mukha ay may ngiti
Ang "po" at "opo"
Ay ginagamit lagi