Natutukoy ang tatlong kayarian ng salita.
Natutukoy kayarian ng salita
Nauunawaan angpagkakaiba ng kayarian ng mga salita.
Pagtatalakay
Ang Kayarian ng salita- Dito malalaman kung papaano nabuo ang mga salita, kung ito ba ay salitang-ugat lamang, o may ikinakabit na panlapi, inuulit o tambalan. Ang salita ay may apat na kayarian. Ito ay ang Payak, Maylapi, Inuulit o Tambalan.
Payak– Ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na ibang salita. Halimbawa:
bahay ganda aklat takbo sariwa bango
Maylapi– Maylapi ang salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Tulad ng:
umalis tinulungan magtakbuhan tindahan umasa aalis
Inuulit– Makabubuo ng mga salita sa tulong ng reduplikasyon ng salitang-ugat. Maaaring ulitin ang salitang-ugat ayon sa uri nito:
alis = aalis
ani = aani
lipad = lilipad
ligaya = liligaya
4. Tambalan - dalawan salita
balat sibuyas
bahay kubo
silid aklatan
Worksheet
Tukuyin ang kayarian ng mga sumusunod na salita
Isulat kung ito ay payak, maylapi, tambalan o inuulit
anak - pawis
araw- araw
balat sibuyas
bote
kapatid
uminum
naglalaro
takip silim
hapag kainan
sumayaw