Nakikilala ang pandiwa sa pangungusap.
Natutukoy ang aspekto ng pandiwa.
Nakakabuo ng pangungusap ayon sa aspekto ng pandiw
Pagtatalakay
Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kailan naganap o nangyari ang isang kilos o galaw. Inilalarawan nito kung ang kilos ay naganap na, magaganap pa lamang o kung ipagpapatuloy pa ang kilos na kasalukuyang ginagawa.
Ang Perpektibo na aspeto ay nagsasaad ng kilos na naganap na o natapos na. Kadalasan, ang unlaping “nag-” ay dinudugtung sa salitang ugat.
Mga Halimbawa:
Naghain
Naglinis
Nagbayad
Iba pang mga halimbawa:
Kinuha Inalis Tinupad
Pinaalis
Imperpektibo
Ang Imperpektibo ay tumutukoy sa kilos na parating ginagawa o kasalukuyang nangyayari. Kadalasan, mayroon itong inuulit na bahagi ng salitang ugat.
Mga Halimbawa:
Naglalaba
Nagluluto
Nagtitinda
Naglalaro
Nagsasaing
Iba pang mga halimbawa:
kumakanta
sumasayaw
gumagawa
tumatahi
tumatawag
Kontemplatibo
Ang aspeto na ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nagaganap o gagawin pa lamang. Kadalasan, ang unlaping “mag” ay dinudugtungan ng salitang ugat.
Mga Halimbawa:
magsasaing
magbibigay
maglalako
magdidilig
maghahain
Iba pang mga halimbawa:
Kakanta
Sasayaw
Kukunin
Tatalon
Hihiling
Worksheet