Layunin
Nauunawaan ang kahulugan ng pandiwa.
Natutukoy ang pandiwa sa pangungusap.
Nakakapagbigay ng halimbawa ng pandiwa .
Pandiwa
Ito ay salitang nagsasaad ng kilos.
Halimbawa
nagsulat nag-aral nagluto
naglalaro nagaaral nagluluto
maglalaro magaaral magluluto
Mga halimbawa (naka-italiko):
Pumunta ako sa tindahan.
Binili ko ang tinapay.
Kumain ako ng tinapay kaninang umaga.
Sumakay ako sa jeep papunta sa paaralan.
Ginagawa ko palagi ang aking mga takdang-aralin
Pagtataya
Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap.
Ang bata ay umiiyak
Ako ay naglalaro sa parke.
Bukas namin ipapasa sa klase ang aming proyekto
Naglalakad ang mga bata.
Nanunuod ng palabas si tatay.
Kumain ako ng mga prutas.
Si ate ay uamalis ng bahay.
Bukas uuwi si kuya.
Nagiigib ang bata.
Marunong akong lumangoy.