Layunin
Natutukoy ang Pang- uri sa pangungusap
Nauunawaan ang dalawang uri ng pang-uri
Nakakapagbigay ng halimbawa ng pang-uri
Nakakabuo ng pangungusap gamit ang pang-uri
Talakayan
Ano ang pang-uri?
Ang pang-uri (adjective) ay salita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan (noun) o panghalip (pronoun). Ang pang-uri ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar, atbp.) o panghalip sa pangungusap.
May dalawang uri ang pang-uri: (1) pang-uring panlarawan (descriptive adjective),
Pang-uring Panlarawan (Descriptive Adjective) Ang pang-uring panlarawan ay nagsasaad ng laki, kulay, at hugis ng tao, bagay, hayop, lugar, at iba pang pangngalan. Maaaring ilarawan din ang anyo, amoy, tunog, yari, at lasa ng bagay. Ang mga pang-uring panlarawan ay karaniwang nagsasaad ng mga katangian na napupuna gamit ang limang pandama (five senses). Nailalarawan din ng mga panguring panlarawan ang mga katangian ng ugali, asal, o pakiramdam ng tao o hayop. Mga halimbawa ng pang-uring panlarawan
Tanggapin mo sana ang aking munting regalo.
Minasdan ni Maria ang kanyang sarili sa salamin na biluhaba.
Si Delia ang babaeng nakasuot ng pulang bestida.
Iwasan mong kumain ng mga pagkain na masyadong matamis.
Sa aking panaginip, hinahabol ako ng isang nakatatakot na halimaw.
Ipinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang mabubuting anak. Malubha ang karamdaman ng matandang pulubi.
.
Pang-uring pamilang (numeral adjective or number adjective)
Ang pang-uring pamilang ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan. May ilang uri ng mga pang-uring pamilang.
Mga halimbawa ng pang - uring pamilang
Mayroong isang lalaki na kumakatok sa pinto.
Sina Mike at Grace ay may apat na anak.
Bumili ako ng limang itlog sa tindahan.
Higit sa apat na libong tao ang nasa mga evacuation center.