Layunin
Ntutukoy ang mga panghalip panao sa pangungusap
Nagagamit ang panghalip panao sa pangungusap
Nkakapagbigay ng halimbawa ng panghalip Panao
Pagtatalakay
Panghali panao - Humahalili sa ngalan ng tao
May tatlong panauhan ang panghalip.
1.Unang Panauhan- Pinapalitan nito ang tao na nagsasalita.
Halimbawa: Akin na lang itong mangga.
Ako ay bibili ng aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Hiniram ko ang walis-tingting.
2.Ikalawang Panauhan - Pinapalitan nito ang taong kinakausap.
Halimbawa: Ikaw ay maaaring pumunta sa health center upang magpabakuna.
Nasa inyo ho ba ang mga papeles na kailangan ni Gng. Baltazar?
Maghanda na kayo dahil darating na ang bisita.
3. Ikatlong Panauhan-Pinapalitan nito ang taong pinag-uusapan.
Halimbawa: Sa kanya ibinigay ang mga biniling buko ni nanay.
Kumanta sila sa isang patimpalak,
Binenta niya ang mga puto na kanyang ginawa.
Ako / Tayo / Kami ay ginagamit sa taong nagsasalita
Ikaw/ Kayo ay ginagamit sa taong kausap
Siya / Sila ay ginagamity sa taong pinaguusapan
Pagtataya
Bilugan ang panghalip Panao sa bawat pangungusap .
Bumili ako ng bagong sapatos.
Pupunta kami sa Manila bukas.
Bibili siya ng kanyang pagkain.
Sasama ka ba sa amin?
Sila ang aking mga kaibigan.