Layunin
Natutukoy ang pang-uri sa pangungusap
Nauunawaan ang kaantasan ng pang- uri
Nagagamait ng tama ang panguri sa pangungusap ayon sa kaantasan nito.
Pagtatalakay
Ang mga pang-uri o adjectives sa Ingles ay salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
Mayroong tatlong kaantasan ang pang-uri: ang lantay, pahambing, at pasukdol.
Ito ay naglalarawan ng isa o payak na pangngalan (tao, hayop, bagay, lugar) o panghalip na walang pinaghahambingan.
Mga Halimbawa ng Lantay na Pang-uri sa Pangungusap
Narito ang sampung halimbawa ng lantay na pang-uri sa pangungusap.
Si Kat ay matangkad.
Masarap ang adobo ni nanay.
Uminom ako ng mainit na kape.
Maitim ang ilalim ng kawali.
Bibili ako ng mapulang mansanas.
Malinamnam ang niluto mong gulay.
Ang puno ay mataas.
Maaliwalas ang panahon ngayon.
Sumalok ka ng malamig na tubig sa banga.
Ang manika ni Mona ay maganda.
Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang pangngalan (tao, hayop, bagay, lugar) o panghalip.
Mas mainit pa ang ulo mo kaysa kape.
Mas maaliwalas ang panahon ngayon kaysa kahapon.
Higit na malamig ng tubig sa banga kaysa tubig sa ref.
Ang manika ni Mona ay di-hamak na maganda kaysa manika ni Anika.
Ang pasukdol na pang-uri ay may katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Maaari itong negatibo o positibo. Masidhi ang paglalarawan dito kaya maaaring gumagamit ng mga salitang sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga, saksakan, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Mga Halimbawa ng Pasukdol na Pang-uri sa Pangungusap
Si Kat ang pinakamatangkad sa klase.
Saksakan ng sarap ang adobo ni nanay.
Ininom ko ang ubod ng init na kape.
Talagang maitim ang ilalim ng kawali.
Bibili ako ng sobrang pulang mansanas.
Pagtataya
Mas mahaba ang buhok ni ate kesa kay Riza
Ubod ng lamig sa aming silid
Mahina ang bata
Napakatapang ng bata
Si ate ay masipag