Layunin
Natutukoy ang pang-angkop sa pangungusap
Nauunawaan ang gamit ng pang-angkop
Nagagamit ang pang-angkop sa pangungusap
Pagtatalakay
Ang Pang-angkop ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa panuring katulad ng pang-uri at ng pang-abay. Ito rin ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito.
Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na “Na” sa Pangungusap
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang banal na kasulatan
Ang malinis na baso.
Ang matalim na kutsilyo.
Ang mainit na kape.
Ang maitim na budhi.
Ang sikat na mananahi.
Ang makinis na balat.
Dinudugtungan nito ang mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o, u).
Ang masagana ng pagkain.
Ang malaking mata.
Ang basang sisiw.
Ang kotseng itim.
Ang magandang bata.
Ang maduming sapatos.
Ang maikling kwento.
Ang marunong na ina.
Ang magaling umawit.
Ito naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n na dinudugtungan ng g.
Kasuotan g madumi.
Luntiang bulaklak.
Usapang di kaaya-aya.
Ang pagkaing masarap.
Ang tanghaliang mabango.
Ang panahong maulan.
Ang dayuhang mabait.
Ang bayang minamahal.
Ang administrasyong magaling.
Pagtataya