Layunin
Ang pang-abay o adverb sa wikang Ingles ay mga salita na naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay. Ito ay kabilang din sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech.
1.Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap.
Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan.
Kanina pa sila umalis.
Ngayon mo na puntahan si Mareng Winnie.
Bukas mo na dalhin ang biik.
Kaunting sandali pa at aalis na tayo.
2. Pang-abay na Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap. Tumutukoy din ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa
Buksan mo ang pinto sa kusina.
Ibinigay sa akin ni Mariel ang hawak niya.
Pag-aaralin kita kung sa amin ka titira.
Pumunta sa bayan ang mag-asawa.
Pakikuha kina Berto at Berta ang bayad sa bangus.
Kina Amiel at Ariel ang mga prutas na ito.
Kina Sonia mo hanapin ang nawawala mong pusa
3. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang nang, na, at -ng.
Halimbawa:
Sinuntok ko siya nang malakas.
Binigyan niya ako nang matinding sampal sa mukha.
Kumain ako ng mabilis para makanood agad sa telebisyon.
Sa makalawa ay maisasakatuparan ko ng mahusay ang aking mga plano.
Matutulog na sana ako nang biglang tumawag si Amy.
Pagtataya