LAYUNIN
Nasasabi ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pantig/salita
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salitang matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, at mga bagay na pambalana at pantangi.
PAGTATALAKAY
Paghanap ng Maikling Salita sa Mahabang Salita
May maiikling salita na mabubuo mula sa mahabang salita. Maaring magkakasunod o hindi ang mga letra.
Halimbawa
nakita - kita Ita akit
paligsahan - asa alis pala pasa
Bumuo ng maikling salita mula sa mahabang salita
1.patalastas -
2.magapatala
3.paalala
Pagsasabi ng Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga
Pantig o Salita
Bilugan ang magkaibang letra nito.
1. bata – lata
2. kasali – kasalo
3. nagpatala – magpatal
4. basahin – basahan
5. ipahatid – ipabatid
Pangngalan
-tawag sa salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook,hayop o pangyayari.
Dalawang Uri ng pngngalan
Pangngalang b - ito ay tumutukoy sa pangkalahatan o pangakaraniwang ngalan ng tao, bagay hayop o pangyayari.Hindi ginagamitan ng malaking letra ang mga ito.
Pangngalang Pantangi - ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay,hayop o pangyayari.
PAMBALANA PANTANGI
bata Maila
lungsod Maynila
aklat Yamang Filipino
pagdiriwang Araw ng kalayaan
GAWAIN
A. Bumuo ng maiikling salita mula sa mahabang salita
kahalagahan
matuutupad
nagkakaiba
kaayusan
paglalaro
B. Isulat ang PT kung ang pangngalan ay pantangi at PB kung pambalana
guro
Bb. Manilyn
kapatid
aso
5.Jolibbee
PAGTATAYA