LAYUNIN SA PAGKATUTO
Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na:
napaguuri-uri ang pangngalan ayon sa kayariang payak, maylapi, inuulit at tambalan
DISCUSSION
Ang Pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Mayroon itong apat na kasarian. Ang mga ito ay: Panlalaki, pambabae, di-tiyak at walang kasarian.
KAYARIAN NG PANGNGALAN
Ang pangngalan ay may apat na kayarian:
1. Payak – Ito ay pangngalang binubuo ng salitang-ugat lamang (rootword)
Halimbawa: pamilya, baryo, bukid, kuwaderno, gusali, araw, pula, bulag, sinag, saya, sipag, lolo, isda, lapis, pinto
2. Maylapi – Ito ay pangngalang binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Halimbawa: kapayapaan, kaibigan, katandaan, pangalan, pag-ibig, kaisipan, kalikasan, mapula, mabuhay, binuhay, buhayin
UNLAPI GITLAPI HULAPI KABILAAN
maulan iniwan bilihin kapayapaan
umasa sumayaw sulatan kabutihan
nagdasal sinigang ibigin palakasan
panlaba lumakad aklatan kayamanan
mabato binasa aralan aaminin
3. Tambalan – Ito ay tumutukoy sa pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa.
Halimbawa: bahay-kubo, kapitbahay, bahaghari, hanapbuhay (trabaho), kapitbahay, hampaslupa, Kutonglupa (maliit), kapitbisig (magkaisa)
Tambalang ganap Tambalang di-ganap
bahaghari punongkahoy
hanapbuhay bahay-kubo
kapitbahay silid-aklatan
4. Inuulit – Ito ay pangngalan na ang bahagi o kabuuan ay inuulit. Ang pag-uulit ay ganap kapag ang kabuuan nito ay inuulit.
Halimbawa: kahon-kahon, araw-araw, kalong-kalong
Ang pag-uulit ay di-ganap kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit. Halimbawa: pagsusuri, ari-arian, alun-alon, agad-agad,
Pag-uulit na ganap Pag-uulit na di-ganap
gabi-gabi sali-salita
bahay-bahay bali-balita
taon-taon minu-minuto
araw-araw