Kapag ang inyong aircon ay hindi na lumalamig nang maayos, may kakaibang tunog, tumutulo, o biglang namamatay, maaaring kailangan na nito ng professional repair.
Sa Petesman Airconditioning and Services, nagsisimula kami sa maingat na inspection at diagnosis upang matukoy ang tunay na pinagmumulan ng problema. Hindi kami basta nagpapalit ng parts o nagsasagawa ng repair nang walang malinaw na pagsusuri.
1. Inspection & Diagnosis
Sinusuri namin ang aircon unit upang matukoy kung ano ang sanhi ng problema at kung anong bahagi ang maaaring nangangailangan ng repair.
2. Explanation & Recommendation
Ipapaliwanag namin sa customer ang kondisyon ng unit, ang nakita naming problema, at ang mga kinakailangang gawin bago simulan ang trabaho.
3. Professional Repair
Gagamit kami ng tamang tools, kaalaman, at teknik upang maisagawa ang repair nang maayos at maingat.
4. Performance Check
Pagkatapos ng repair, chine-check namin ang unit upang matiyak na gumagana ito nang maayos at naibalik ang performance nito hangga't maaari.
Hindi malamig o mahina ang lamig
Biglang namamatay ang aircon
May kakaibang tunog o ingay
Tumutulo ang tubig
Hindi bumubukas ang unit
Mahina ang airflow
Hindi pantay ang lamig
Paulit-ulit na nag-o-on at off
Iba pang performance issues
Sa Petesman, mahalaga sa amin na alam ng customer kung ano ang problema bago isagawa ang repair. Ipinapaliwanag namin ang kondisyon ng unit at ang mga kailangang gawin upang makagawa kayo ng informed decision.
Maingat, propesyonal, at transparent ang bawat repair na ginagawa namin.
Huwag nang hintaying tuluyang masira ang inyong aircon.
Makipag-ugnayan sa Petesman Airconditioning and Services para sa inspection at repair.
📞 Call/Text: 0966 740 6670
📧 Email: petesjmanalac@gmail.com
📍 Calumpit, Bulacan
Ease your worries, our repairs comes with warranty.