Ospital ng Maynila Medical Center was honored to serve as host for the Continuous Quality Improvement (CQI) Workshop for Health Facilities conducted by the Philippine Society for Quality in Healthcare (PSQua) on April 22–24, 2026. The hybrid training brought together nearly 110 healthcare professionals from 38 hospitals nationwide, reflecting a unified commitment to advancing quality and patient safety across the Philippine health system.
As host institution, we take pride in supporting initiatives that strengthen a culture of quality and promote a just culture in healthcare. The workshop provided participants with the 8 step problem solving methodology and essential quality tools, culminating in CQI project presentations that demonstrated practical, scalable solutions aligned with global standards and local healthcare realities.
We extend our sincere appreciation to PSQua and its distinguished speakers Dr. Richelle Manalansan, Dr. Jojo Sescon, and Ms. Kate Legislador as well as the Education and Training Committee for delivering a highly impactful program. Under the leadership of Dr. Grace H. Padilla, Ospital ng Maynila remains steadfast in supporting partnerships that elevate healthcare quality and safety.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa aming butihing Mayor, Francisco "Isko Moreno" Domagoso, sa pagbibigay ng bigas para sa mga kawani ng Ospital ng Maynila Medical Center. Malaking bagay po ito sa amin, hindi lamang bilang tulong sa pang-araw-araw na pangangailangan, kundi bilang paalala ng inyong malasakit at pagpapahalaga sa aming ginagawa.
Sa simpleng handog na ito, ramdam po namin ang patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa aming paglilingkod sa mga Manileño. Maraming salamat po, Mayor, sa inspirasyon at tiwalang nagbibigay sa amin ng lakas upang magpatuloy sa serbisyong may puso at malasakit.
HAPPENING NOW:
Gupit at Hilot para sa ating mga Health Workers!
Ramdam ang tunay na kalinga sa Old Hemodialysis Building ngayong araw! Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Health Worker Week, hatid ng Public Health Unit ng OMMC ang libreng gupit at nakaka-relax na hilot para sa ating mga masisipag na hospital employees.
Katuwang ang Barangay 701, Zone 77 (Chairman Lilian R. Papa) at Aloha Hotel, binigyan natin ng pagkakataon ang ating staff na makapagrelax at mag recharge kahit sandali.
"Sa bawat gupit at hagod ng hilot, nawa'y gumaan ang inyong pakiramdam para sa patuloy na paglilingkod sa ating mga pasyente."
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong para maging matagumpay ang araw na ito. Sulit ang fresh look at ginhawang hatid nito!
Happening Now:
Ospital ng Maynila Medical Center hosts the Continuous Quality Improvement Workshop in Health Facilities
with our OIC Medical Center Chief, Dr. Grace H. Padilla.
10th Floor Auditorium OMMC
April 22–24, 2026
Conducted by the Philippine Society for Quality in Healthcare (PSQua), this 3-day workshop gathers healthcare professionals and quality champions to strengthen systems, share best practices, and drive patient-centered improvements across health facilities.
Through collaborative discussions, capacity-building sessions, and practical applications, participants are empowered to enhance service delivery and uphold the highest standards of care.
Isang makabuluhang araw ng pagkakaisa at malasakit ang ating nasaksihan sa “Gift of Breath: Turnover Ceremony of Neonatal Ventilators” isang proyektong nagbibigay-buhay at pag-asa para sa ating mga bagong silang.
Sa pamamagitan ng Rotary Foundation Global Grant at sa pagtutulungan ng Rotary Club of AIM, Rotary Club of Onyang-Oncheon, at Rotary Club of Onyang-Mogryeon, matagumpay na naipagkaloob ang 2 neonatal ventilators sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) ng Ospital ng Maynila Medical Center.
Ang bawat bahagi ng programa mula sa pagbubukas ng seremonya, pagpapakilala ng mga katuwang na organisasyon, pagbibigay ng mensahe ng pasasalamat, hanggang sa pormal na pagpirma ng deed of donation at pagbisita sa NICU ay sumasalamin sa iisang layunin ang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan para sa mga sanggol na higit na nangangailangan ng agarang pag-aaruga.
Ang simpleng donasyong ito ay may napakalalim na epekto. Ito ay hindi lamang kagamitan, kundi simbolo ng pag-asa, buhay, at mas ligtas na kinabukasan para sa mga pamilya. Sa bawat hinga na maililigtas, isang pangarap ang nabibigyan ng pagkakataong mabuhay.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito sa Rotary partners, sa pamunuan at healthcare workers ng Ospital ng Maynila Medical Center, lalo na sa Pediatric at NICU teams, at sa lahat ng sumuporta upang maisakatuparan ang adhikaing ito.
Patuloy nating ipakita na sa sama-samang pagkilos, mas marami pa tayong buhay na matutulungan at mabibigyan ng pag-asa.
Happening Now | Internal Quality Audit and Tracer Methodology Writeshop
Ospital ng Maynila Medical Center welcomes participants from various hospitals and partner institutions to the Internal Quality Audit and Tracer Methodology Writeshop happening this April 14, 2026 at the 10th Floor Auditorium, Bagong Ospital ng Maynila Medical Center.
This writeshop aims to enhance participants’ competencies in conducting effective internal quality audits and applying tracer methodology to ensure compliance with standards, improve processes, and strengthen patient safety practices.
Through collaboration, knowledge sharing, and hands on learning, we continue to uphold our commitment to quality healthcare, continuous improvement, and excellence in service delivery.
LOOK: OMMC Committee on Anti-Red Tape Benchmarking Visit
Nagbahagi ng kaalaman at pinakamahusay na praktis ang Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) Committee on Anti-Red Tape sa isinagawang benchmarking activity sa East Avenue Medical Center noong ika-30 ng Marso 2026.
Layunin ng pagbisitang ito na palakasin ang implementasyon ng mga episyente at transparent na proseso sa pagbibigay-serbisyo, alinsunod sa Anti-Red Tape Act, para sa mas mabilis at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan.
Patuloy ang OMMC sa paghahanap ng mga makabagong paraan upang mapabuti ang sistema at mapataas ang antas ng serbisyo publiko.
Happening Now at OMMC!
Join us for today’s TQM Hour featuring an insightful session on PhilHealth Benchbook 2 Standards Overview and Diagnoses Related Groups (DRGs).
Graced by the presence of OIC Medical Center Chief, Dra. Grace H. Padilla, together with our esteemed resource speakers:
Dr. Israel Francis A. Pargas – Senior Vice President, Health Finance Sector, Philippine Health Insurance Corporation
Marc Anthony Cepeda – Standards Monitoring Department, Health Finance Policy Sector
Dr. Reinard Francisco – Medical Specialist
As we continue to strengthen quality healthcare and policy understanding.
March 31, 2026
1:00 PM – 4:00 PM
OMMC Auditorium, 10th Floor, Tower A
Let’s continue a
Holy Mass at Ospital ng Maynila Medical Center
Isang banal na misa ang idinaos ngayong araw sa Main Lobby ng Ospital ng Maynila Medical Center, kung saan nagtipon ang mga kawani, pasyente, at mga bisita upang mag-alay ng panalangin at pasasalamat, kasabay ng pamamaalam sa pagbisita ng poon ng Our Lady of Antipolo.
Sa gitna ng ating mga gawain, patuloy tayong inaanyayahan na manalig at humingi ng lakas at kagalingan mula sa Panginoon.
Religious Activities | March 27, 2026 (Friday)
Join us in a day of prayer and devotion as we welcome Our Lady of Antipolo
🕘Schedule of Activities:
• 9:00–9:15 AM – Welcome Rites
• 9:15–9:30 AM – Holy Rosary
📍Main Lobby
• 9:30–10:00 AM – Stations of the Cross
📍Healing Garden
• 12:00–1:00 PM – Holy Mass
📍Main Lobby
• 1:00 PM – Farewell Rites for Our Lady of Peace & Good Voyage
Everyone is warmly invited to participate.
Let us come together in faith and prayer.
EARTHQUAKE DRILL | March 12, 2026
Nakiisa ang Ospital ng Maynila Medical Center sa isinagawang Earthquake Drill ngayong March 12, 2026 bilang bahagi ng patuloy na paghahanda at pagpapalakas ng ating kakayahan sa pagtugon sa mga sakuna.
Layunin ng aktibidad na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente, kawani, at mga bisita sa oras ng lindol, sa pamamagitan ng tamang kaalaman at mabilis na koordinasyon sa panahon ng emerhensiya.
Patuloy tayong maging handa at alerto.
Ligtas na komunidad, sama-samang pinaghahandaan.
Idinaos sa Auditorium ng Ospital ng Maynila Medical Center ang Panalangin sa Krus at Banal na Misa tuwing Biyernes ngayong Kuwaresma, mula Pebrero 27 hanggang Marso 27, 2026, na dinaluhan ng mga empleyado mula sa iba’t ibang departamento bilang sama-samang pagninilay at panalangin.
Happening Now:
Kasalukuyang isinasagawa ang PhilHealth YAKAP sa Manggagawa ang kauna-unahang kolaborasyon ng National Government at isang LGU-owned hospital.
Ginaganap ang makabuluhang pagtutulungan na ito sa Department of Finance, na naglalayong higit pang palakasin ang suporta at serbisyong pangkalusugan para sa ating mga manggagawa.
Sama-sama para sa mas abot-kaya, mas maayos, at mas inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
HAPPENING NOW!
Isinasagawa ang Bone Scanning Activity sa Out-Patient Department (OPD) ng Ospital ng Maynila Medical Center, na hatid ng CALTRATE sa pakikipagtulungan ng Public Health Unit.
Layunin ng aktibidad na ito na mapalakas ang kamalayan ng ating komunidad tungkol sa kahalagahan ng kalusugan ng buto, maagang matukoy ang posibleng senyales ng osteoporosis, at mabigyan ng tamang gabay ang ating mga pasyente para sa mas maayos at mas malusog na pamumuhay. Ang regular na bone screening ay isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang komplikasyon at mapanatili ang tibay at lakas ng ating pangangatawan, lalo na para sa mga nasa hustong gulang at senior citizens.
100 slots lamang po ang tatanggapin, kaya’t hinihikayat ang mga interesadong magpatingin na agad na magtungo sa OPD habang may bakanteng puwesto pa.
Alagaan ang inyong mga buto dahil mahalaga ang matibay na pangangatawan para sa mas aktibo at mas produktibong pamumuhay!
HAPPENING NOW:
Isinasagawa ang 2-Day Civil Service Commission Orientation (ORAORA) dito sa Auditorium, 10th Floor, Ospital ng Maynila Medical Center.
Mainit na tinatanggap ang lahat ng kalahok sa pangunguna ng ating OIC Medical Center Chief, Dra. Grace H. Padilla, na nagbigay ng kanyang mensahe ng suporta at inspirasyon para sa matagumpay na pagsasagawa ng oryentasyong ito.
Layunin ng dalawang araw na aktibidad na ito na palakasin ang kaalaman, propesyonalismo, at kahandaan ng ating mga kawani sa patuloy na pagbibigay ng dekalidad at tapat na serbisyo publiko.
HAPPENING NOW
PhilHealth Update: Printing of ID and Assistance for Other Concerns
A PhilHealth service activity is currently being conducted at the Auditorium, 10th Floor, Ospital ng Maynila Medical Center.
This on-site event focuses on:
✅Printing of PhilHealth IDs
✅Member information updates and corrections
✅Assistance with membership concerns
✅Guidance on billing and claims-related inquiries
✅Verification of PhilHealth records and contributions
The activity is made possible through the collaboration of the Public Health Unit and the Billing and Claims Department, who are present to assist members with their questions and ensure proper processing of documents.
All concerned employees, patients, and members who need assistance with their PhilHealth ID or have related concerns are encouraged to proceed to the venue. Please bring any necessary documents such as a valid ID, PhilHealth number (if available), and supporting documents for updates or corrections.
For smooth processing, participants are advised to follow venue guidelines and coordinate with the assigned personnel upon arrival.
Malugod na tinanggap ng Ospital ng Maynila Medical Center ang mga 1st-year medical students ng San Beda University mula sa kanilang Practice of Medicine I course para sa isang facility visit at guided walkthrough.
Layunin ng aktibidad na palalimin ang kanilang pag-unawa sa mahalagang papel ng mga pasilidad pangkalusugan sa loob ng Healthcare Provider Network (HCPN), at bigyang-diin ang sama-samang pagtutulungan ng iba’t ibang medical at non-medical teams sa paghahatid ng dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga pasyente, pamilya, at komunidad.
Nakibahagi rin ang mga estudyante sa isang makabuluhang plenary session na tumalakay sa mahahalagang paksa tulad ng Universal Health Care Law, ang istruktura at tungkulin ng Healthcare Provider Network, at ang Public Health Unit.
Sa Ospital ng Maynila Medical Center, patuloy kaming nakatuon sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga propesyunal sa kalusugan at sa pagtataguyod ng kahusayan sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan.
Idinaos ang Misa para sa Miyerkules ng Abo sa Pangunahing Bulwagan ng Ospital ng Maynila Medical Center, na dinaluhan ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento at yunit. Ang pagdiriwang ay nagsilbing sandali ng taimtim na panalangin, pagninilay, at espirituwal na paghahanda sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma. Sama-samang nagkaisa ang bawat isa sa pagpapahayag ng pananampalataya at sa paghingi ng patnubay upang higit pang mapatatag ang malasakit, kababaang-loob, at dedikasyon sa paglilingkod sa kapwa.
Ash Wednesday Mass Invitation
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Ash Wednesday Mass ngayong araw.
2:00 PM – Holy Mass
Main Lobby
3:00 PM – Administration of Ashes sa noo ng mga mananampalataya
Pagkatapos po ng misa, mag-iikot din si Fr. Mario Botial sa mga wards upang magbigay ng abo sa mga pasyente at watchers.
HAPPENING NOW | Basic Life Support Training
Kasalukuyang ginaganap ang Basic Life Support (BLS) training para sa mga kawani ng Ospital ng Maynila Medical Center sa 10th Floor Auditorium. Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kahandaan at kasanayan sa agarang pagtugon sa mga emerhensiya upang masiguro ang ligtas at dekalidad na pangangalaga sa ating mga pasyente.
FAREWELL RITES & SEND-OFF
The Ospital ng Maynila Medical Center community gathered at the Main Lobby for the Farewell Rites and Send-off of the Image of the Queen of the Most Holy Rosary of Manaoag.
The solemn occasion was attended by our OIC Medical Center Chief, Dra. Grace H. Padilla, together with hospital officials, employees, and guests united in prayer, thanksgiving, and devotion.
May the Queen of the Most Holy Rosary of Manaoag continue to guide, protect, and bless our hospital community.
Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) has successfully passed both the Stage 1 and Stage 2 ISO 9001:2015 audits by NQA Philippines, Inc., showcasing its commitment to maintaining a robust Quality Management System that aligns with international standards for high-quality healthcare.
The Stage 1 audit assessed OMMC's readiness, reviewing policies, processes, and records, while the Stage 2 audit evaluated the effectiveness of the management system. Passing both stages confirms that OMMC has successfully implemented and maintained its quality management system in line with ISO 9001:2015 standards.
This milestone reflects the dedication of the OMMC team to excellence in patient care and continuous improvement.