"REHABILIREKLAMASYON?"
Ni: Marr V. Amon
Naging Saksi sa mga kalakalang panlabas at panloob, naging daan noon tungo sa maunlad na kabihasnan, at higit sa lahat isang mayuming dalampasigan na dinadayuhan ng mga pilipinong napapadpad sa kamaynilaan. Alam mo ba kung ano ito?, at Naalala mo pa ba kung saan ito?, Ang Tinutukoy ko ay ang Manila Bay. Isang dagat na pumapalibot sa karatig lugar ng Maynila at iilang lugar sa probinsya ng Cavite. Kilala ito dahil sa angking ganda ng Paglubog ng araw pagsapit ng dapit hapon.
Maraming Tawag noon sa Manila Bay na bago pa man ito ay ipangalan sa maynila ay ipinangalan muna ito sa probinsyang karatig at sakop nito ang tawag ay Cavite Bay. Ngunit sa huli ay mas naging popular pa rin ang tawag bilang Manila Bay dahil sa mas malaki ang sakop nito sa buong kamaynilaan. Ngunit dati ay maganda at kaayaaya ang makikita mo dito ay tila kabaliktaran na nga sa kasalukuyang panahon. Dati ay makikita mo ang mga isdang lumalangoy ngunit ngayon ay gabundok na basurang umaanod galing sa ibat ibang estero ng maynila. Dati makikita mo rin yung ganda ng paglubog ng araw pagsapit ng dapit hapon ngunit ngayon sulyap lamang ang makikita mo dahil sa mga nagtataasang ipinatayong gusali at mga esterong nakatayo sa ibabaw ng mismong dagat na tila mga basurang tinumpok. Dati makikita mo ang gandang hindi mo pa nakikita sa tanang buhay mo ngunit ngayon parang pinagdamutan at tuluyan na ngang hindi mo na makikita at masisilayan ang gandang pinagkaloob ng ating Inang Kalikasan.
Masasabi ba nating maunlad ang ating bayan kung ang ating mga Inaalagaang mga pook pasyalan ay unti unti na ngang nawawala dahil sa ating kapabayaan at kalupitan. Kaya naman tuwing sasapit ang mga kalamidad gaya ng bagyo ay Inang kalikasan na mismo ang nagpapamulat sa mga tao kung ano ang kanilang mga kamalian. Mga basurang ating tinapon sa dagat ay bigla na lamang ihahampas sa atin sa pamamagitan ng isang hampas ng alon na may mga dalang basurang iniluwa ng ating Inang kalikasan. May Pagasa pa bang Mabuhay at Maitama natin ang ating mga pagkakamali upang ng sa gayon ay mailigtas natin ang ating kalikasan sa bingit ng mundong maalipusta. Sa Taong ngang ito ay Sinagot na nga ang panalangin ng bawat isa sa atin na magsagawa ng Paglilinis sa Manila Bay na agad agad ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagkaroon ang ilan ng pagaasa ngunit may kumakalat na balita na may Reklamasyong magaganap sa ilang Bahagi ng Manila Bay. Ano Ito At para saan ito?
Malaki ang katanungan ng ilang sa atin na Kung bakit pa kailangan magtayo ng iba pang mga infastrakturang makasisira lamang sa ating kalikasan dahil nais lamang nilang yumabong pa ang ating Ekonomiya, ito ay isang palaisipan na hindi manlang binigyang pansin ng mga negosyanteng nais lamang kumita ng malaking halaga kaysa magkaroon ng malaking ambag sa paglago ng ating Inang Kalikasan bagkus binibigyang pansin pa ang pagyabong ng Ating Ekonomiya. Katanungan na Ano ba ito? Rehabilitasyon o Reklamasyon. Lilinisin nila ang Manila Bay ngunit tatayuan lamang pala nila ng Mga Gusaling nagtataasan sa kadahilang para hindi na daw pumunta at hanapin ng mga tao ang ibang bansa! Ito ay isang malaking Kalokohan na ginawa at magagawa ng Taong walang puso.Reklamasyon na dadagdag lang sa problema ng ating kalikasan dahil sisirain nito ang mga lamang dagat dahil sa gagawaing pagtatambak ng lupa sa ilang bahagi ng Manila Bay. Iniisip pa ang kapakanan ng Tao kaysa kapakanan ng kalikasan. Palagi natin pakatatandaan nabubuhay tayo dahil sa Inang Kalikasan, ito ang nagbibigay sa atin ng hangin, pagkain, at iba pang mga pangangailangan natin sa pang araw- araw. Kung mawawala ang ating kalikasan mawawala rin tayo dahil kakambal ng tao ang Kalikasan. Sino pa ang Gagamit ng mga ipapatayong gusali kung ang lahat ng tao ay wala na.Ngunit kung gagawin natin at isasapuso natin ang Rehabilitasyon ng Manila Bay magkakaroon tayo ng maayos na kapaligiran at tatanyag tayo hindi lamang sa ating Ekonomiya kundi pati sa ating Malinis at Maayos na Kapaligiran. Gaya ng pagsasaayos natin sa isa sa may naiambag ng malaki sa kasaysayan ng kalakalan sa bansang Pilipinas ang Manila Bay. Kung Tayo magtutulungan upang maiayos ang ating Inang Kalikasan magbubunga ang ating pagpapaguran dahil hindi lamang tayo nakatulong bagkus tayo pa ang magdudugtong para maging mahaba pa ang buhay ng ating Mahal na Inang Kalikasan.