Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga bundok, ilog, at mga kapatagan. ang mga pangunahing anyog lupa at anyong tubig tulad ng The Himalayas at ang Ilog Mekong ay mahalaga sa paghubog ng kultura at ekonomiya ng rehiyon.
Ang Timog Silangang Asya ay tahanan ng maraming mga anyong lupa kagaya ng Mt Himalayas at mga bulubundukin ng Pinas kagaya ng Mt Apo. Mahalaga ang kapatagan tulad ng Indo- Gangetic Plain sa Agricultura at kabahayan ng mga tao.
Matatagpuan sa rehiyon ang mahahalagang anyong tubig tulad ng mga ilog, lawa, at dagat. Ang Ilog Mekong tulad sa nasa larawan ay nag bibigay ng tubig para sa irigasyon at ginagamit din ito para sa rutang pangkalakalan at paggagalugad.
LIKAS NA YAMAN
Ang Likas na Yaman ay tumutukoy sa mga yamang nagmumula sa kalikasan at maaring makapanatili kahit walang gawing pagkilos ang tao. Ang likas na yaman ay mahalaga upang makapamuhay ang tao araw-araw.
MGA URI NG LIKAS NA YAMAN BATAY SA PINAGMULAN (Biotic at Abiotic)
Likas na yamang nagmula sa mga buhay o organikong materyal, kasama dito ang mga halimbawa tulad ng mga bakterya, mga halaman, hayop, at iba pang mga buhay na bagay na umiiral sa isang ekosistema
Mga bagay na walang buhay, tulad ng tubig, hangin, lupa, liwanag, at temperatura, na may epekto sa isang ekosistema.
KONSEPTO NG RENEWABLE AT NON RENEWABLE RESOURCES
Tumutokoy sa mga bagay at organismo na kayang palitan o naparami ng kalikasan sa maiksing panahon.
Tumutokoy sa mga likas na yaman na hindi kaagad mapapalitan o mapaparami sa loob ng maikling panahon..
Kaunting Kaalaman!!!
Ang Timog Silangang Asya ay nakalatag sa lugar kung saan ang dalawang dibisyong pandaigdig palahayupan ay nagtagpo. Ito ay nagtagpo sa silangang bahagi ng tinatawag na Indian Zoographic Region at sa timog silangang ay nakahangga ang Austrian Zoographic Region.
Dahil sa dibisyong ito, dito sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang kakaibang uri ng hayop at halaman.
Mga kakaibang hayop ng Timog Silangang Asya
Orangutan
Mula sa Borneo at Sumatra
Philippine Eagle
Pambansang simbol ng Pilipinas
Tapir
Matatagpuan sa Bansang Malaysia
Bearcut or Binturog
Matatagpuan sa bansang Malaysia
MGA YAMANG LIKAS NG TIMOG SILANGANG ASIA
Ang Timog Silangang Asya ay tahanan ng mga mahahalangang yamang mineral tulad ng Ginto, Tanso, Nickel, at Bakal. Ang mga Mineral na ito ay ginagamit sa industriya para makagawa ng isang bagay na nag-aambag ng ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon.
Ang mga anyong tubig sa Timog Silangang Asya tulad ng mga talon, lawa, at ilog ay ilan sa mga pinagkukunan ng tubig inumin at nakaka tulong din ito para taniman ng mga mamamayan. Ang yamang tubig ay mahalaga para sa tao at kalikasan.
Ang yamang gubat ng Timog-Silangang Asya ay mayaman sa biodiversity at naglalaman ng malalawak na kagubatan, tulad ng mga tropical rainforests sa Indonesia, Malaysia, at Pilipinas. Nagbibigay din ang yamang gubat ng kabuhayan sa mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng troso, rattan, at iba pang produkto.
Sagana ang Timog Silangang Asya sa mga yamang lupa tulad ng kapatagan, mga budok , burol, lambak, bulubundukin, at pulo. Ang mga kagubatan naman ay may na iba’t ibang klaseng halaman at mga exotic na bulaklak. Ang biodiversity sa rehiyon na ito ay mayroong maraming iba’t ibang uri ng halaman, at mga hayop tulad ng endemikong species. Ang mga yaman na ito ay nagtataglay hindi lamang ng importanteng papel sa kabuhayan ng rehiyon kundi pati na rin sa kultura.
MGA BANTA AT HAMON SA LIKAS NA YAMAN
Ang polusyon mula sa iba't ibang sector ng industriya katulad sa agrikultura, at mga basura ay nagiging sanhi ng pagkasira ng mga anyong tubig at lupa. sa mga Urban na lugar, ang hangin ay nagiging peligro sa kalusugan ng mga tao at hayop.
Ang pagkasira sa mga kagubatan, pagka ubos ng mga ibat ibang klaseng mineral dahil sa ilegal na pag mimina at iba pang likas na yaman ay nag reresulta sa pagbaba ng biodiversity sa rehiyon. dahil sa patuloy na pag ubos ng mga likas na yaman, nag reresulta ito sa malawakang pagbabago sa kabuhayan, heograpiya at kultura ng rehiyon.
Ang deforestation sa Timog Silangang Asya ay nagdududlot ng malawakang epekto sa rehiyon. dahil sa patuloy na pagka ubos ng mga puno, tumataas ang panganib ng soil erosion, pagbaha, at pagtaas ng temperatura, at pagbabago ng lokal na klima. dahil sa deforestation ay nakakaapekto sa ekosistema at kabuhayan ng mga tao sa rehiyon.
Ang patuloy na pagbabago ng klima ay nagdudulot ng mas matinding mga kalamidad tulad ng pagbaha at tagtuyot sa rehiyon. ang pagbabago ng klima ay nakakaapekto sa agrikultura, kalusugan, at tirahan ng mga tao.
Ang agricultural expansion sa Timog-Silangang Asya ay nagdudulot ng malawakang pagkasira ng likas na yaman, lalo na sa mga kagubatan. Ang pag-convert ng mga kagubatan sa mga plantasyon, ay nagreresulta sa deforestation at pagkawala ng tirahan para sa maraming hayop at halaman.
Ang likas kayang pag-unlad ay tumutukoy sa panganagilangan at mithiin ng tao nang may pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod pang henerasyon na makamit din ag kanilang pangangailangan.
IBA'T IBANG STRATEHIYA UPANG MATUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG TAO
Pagsama ng mga usaping pangkalikasan sa pag-gawa ng desisyon.
2. Pagsama ng mga isyung pampopulasyon at kapakanan ng nakakarami sa pagplano ng pag-unlad.
3. Pagpapabawas ng paglaki ng mga rural na lugar.
4. Pagpapaigting ng edukasyon pangkalikasan
5. Pagkakaroon ng sistema para sa protektadong lugar.
6. Pagpapaganda o pag-papagawa ng mga nasirang ecosystem.
7. Pagpigil sa polusyon.
8. Pagpapalakas ng suporta o partisipasyon ng taong bayan.
TANDAAN:
Noong 1972, tinukoy ng United nations Conference on Human Environment ang posibilidad ng ugnayan ng kalikasan at ng kaunlaran.
Noong 1987, binuo ng United Nations ang World Commission on Environment and Development (WCED) upang pag-aralin at bigyan ng kaukulang solusyon ang mga suliranin sa kalikasan at kaunlaran.
Ang bansang Pilipinas, katulad ng ibang bansa ay naghahanda rin sa posibleng kahihinatnan ng patuloy na pagkaubos ng mga likas na yaman nito.
Panuto: Matapos mong basahin ang paksa sa website na ito. Atin naman alamin kung gaano mo naunawaan ang ating aralin.
1. Buksan ang link ng quizziz na makikita sa ibaba.
2.Sagutin lahat ng tanong ng tapat at maayos.
3. Siguraduhin na maipapasa niyo ang inyong sagot sa tamang oras.
i-click ang link para makapagsimula na (
https://quizizz.com/admin/quiz/67c6a7abc46360b1ab487a30/likas-na-yaman-ng-timog-silangang-asya-at-likas-kayang-pag-unlad?source=quiz_sharehttps://quizizz.com/admin/quiz/67c6a7abc46360b1ab487a30/likas-na-yaman-ng-timog-silangang-asya-at-likas-kayang-pag-unlad?source=quiz_sharehttps://quizizz.com/admin/quiz/67c6a7abc46360b1ab487a30/likas-na-yaman-ng-timog-silangang-asya-at-likas-kayang-pag-unlad?source=quiz_sharehttps://quizizz.com/admin/quiz/67c6a7abc46360b1ab487a30?at=67c6bc352d6d82eeb5a2072ahttps://quizizz.com/admin/quiz/67c6a7abc46360b1ab487a30?at=67c6bc352d6d82eeb5a2072a
Prepared by: Group 1
BSE SOCIAL STUDIES 3-A
Date: March 4 2025