Juan Batugan
Juan Batugan
Verse 1
gigising kung kailan maisipan
pagbangon deretso ng hapag kainan
iisang platong pinagkainan,
iiwanan, hindi mahugasan
Verse 2
busog na, balik sa higaan
hihilata hanggang maghapunan
kikilos lang pag gutom na kalamnan
kakain na ang walang pakialam
Chorus
pabigat sa tahanan
hindi pa mautusan
sagad ang katamaran
ganyan ang isang batugan!
Verse 3
pupunta sa sabungan
sa manok iaasa ang kapalaran,
sa gabi aayain ng kaibigan
magdamag mag iinuman
Chorus
pabigat sa tahanan
hindi pa mautusan
Sagad sa katamaran
Ganyan ang isang batugan!
Verse 4
ayaw humanap ng pagkakakitaan
tamad ayaw mapagod ang katawan,
uutang pero di babayaran
Umaasa ng pera sa magulang
Chorus
pabigat sa tahanan
hindi pa mautusan
Sagad sa katamaran
ganyan ang isang batugan!
outro
walang kang aasahan
di mapakinabangan
Sarap ng buhay mo batugan!
Batugan! Sobrang batugan!