Isang mapagpalang umaga sa nakakabasa, ako po si Marlon Cabiara, isang ama na patuloy nagsisikap para sa pamilya, sa apat na anak quatro maria at sa aking mapag-mahal na asawa, walang iba kundi si Marivic Cabiara. Currently, kami po'y kahit papaano malaki na ang naging improvement sa pamumuhay, napo-provide na po yung mga bagay na dati di ko naa-afford sa buhay. Masasabi ko rin, tama lang na di kami huminto at sumuko, yan nama'y di maita-tago kasi maraming nagsa-sabi sa amin-sila'y suma-saludo. Kaya naman maraming salamat po. Malaking bagay yung nakapag-establish kami ng sariling negosyo atleast na-simulan namin agad ito, kaya di kami na-takot makipag-sapalaran sa food business sa akin ay naka pangalan, MeAndChef lutong bahay at marami pang iba. I-sama na rin po natin yung financial services, kasi ito talaga ang nagbigay ng mga big surprises.
Bago ako mapunta sa Insurance Industry empleyado muna ako sa iba't-ibang company, pati yung pagu-good morning! hehehe araw-araw kong sina-sabi, welcome po kayo sa Jollibee. Madali akong natuto ganun lang talaga naman siguro kapag mayron kang pinagdaanan ika nila madaling mong matututunan. Nagkaroon ako ng interest sa pagba-budget, marami akong natutunan sa pagiging parent, at nae-excite ako umattend ng money management, pati interpersonal developement at investment. Salamat nga sa wakas ako'y lisensyado na simula pa noong 2016 pa at officially na-code (sa Sun Life) nitong 2019 na. Mahaba man bago nag simula pero naging awardee naman.
I would like to mention yung mga taong may kinalaman sa aking pag-develope. Few years back, may isang taong nag-initiate at nag invite ng bible study ika nga'y upang bawat isa'y bumuti, isa rin ako sa uma-attend parati, walang iba kundi si Mr. Enrique Yap Jr. dating QEMR at ngayon bussiness owner ng EJY SOLAR Power), Yung susunod ko... ay isa ring respetadong tao kaya tulad ng iba'y hina-hangaan ko, kung babalikan ko yung dating ako.. wari'y puwedeng i-hambing sa isang lasetang mapurol pero ngayon tila isa na akong matalas na palakol, ganyan ko ilarawan yung aking mga natutunan pero wag ka...di ako tinuruan dahil mapapansin mo matututo ka na lang. Ang tinutukoy ko si coach Sam Rayala o uncle Sam ang taguri sa kanya (Sun Life - MDRT awardee - Sequoia Branch/life coach). Di naman mata-tawaran yung galing sa public speaking yung taong ito nakaka-inspire rin at napagka-generous nito mag-bahagi ng mga panalangin sa posting mai-ibigan ninyo rin kaya sir Mon ako'y humahanga rin. Mabuhay ka Mr. Ramon Cir Cruz (Sun Life - Top Sales Manager/Anilao Sales Team, MDRT awardee - Laurelwood Branch).
Siguro nga, inspirasyon ko itong istorya wag lang maulit sa aking pamilya yung mga pinagdaanan ko tinuldukan ko na. Naalala ko pa noon simple lang yung aming pamumuhay, sa sobrang simple ng aming buhay ni C.R wala kami sa bahay at kahit di tag-ulan akala ko yung tulo sa'aking ulo-han ordinaryo lang, kaya pala laging may naka-handang sahuran tsk! tsk! tsk! ihi pala ito ng mga nagi-inuman. Huhu! Oo nga pala.. sila yung may-ari ng aming inuupahan bawal pala silang sabihan. Peace! Ganun po ang aming kalagayan.
Alam kong hindi pa tapos ang aking race dahil di pa hubad ang aking lace. Marami pa akong pagda-daanan sa pagiging advisor talagang mayroong may extra challenge...nung 2019 nagawa kong maging fast tracker ibig-sabihin mahigit sa dalawampu ang aking na-cover, mga individual, family lalo yung mga bread winner!
Di ko akalain ang pagiging financial advisor ito pala yung aking magiging career, kasi kung inyong babay-bayin mga istorya ko'y parang pang ma-alaala rin. Nag-aral ako sa Sn. Roque dito sa Cavite, kung saan una akong nag-grade 3, after a while lumipat po kami sa exclusive community "wow! sana all!" kasi parang sawa na rin kami sa mga taong mapang-api. Pagka-tapos nun nag-tuloy ako mag-aral sa Noveleta Elementary kung sa saan malapit lang kami. Sa high school naman sa tirona ako napunta pero para sa iba ito ay iskwelahang walang kwenta pero nagka-mali sila hindi sukatan yung ganun lang ang mga matutunan talagang nasa sarili lang. Syempre nag-college din ako, pero alam ninyo, kamuntikan na akong maging titulado...kung natuloy sa ang pagiging arkitekto kaso sa taas ng matrikula ko umatras ang tatay ko...e' di nalungkot ang nanay ko sayang naman daw yung nai-bayad na libo-libo. Anyways, naghanap ako ng scholarship para sa paga-aral ko, aba! di na masama kasi yung architecture na in-enroll ko (Adamson) nauwi rin sa second choice ko, not bad kasi..may drawing parin naman sa huli, ang course ko "computer technology" - major in electronics designing.
Eto lang po ang aking natutunan, malaki po talaga ang kaibahan kung ipinanganak kang walang kasalatan pero gunan talaga "life is a choice" just accept it. Mahalaga po talaga sa buhay ang pagpa-plano, pag-sisikap at yung pagpupur-sige mo. Lagi nating isipin di natin kasalanang ipinanganak ng may pait, ngunit kasalanan natin kung ni-isa wala man lang tayong nakamit. Walang aksidente sa buhay, lahat may purpose, lahat tina-trabaho kaya buhay rin ng pamilya mo pwedeng mag-bago, kaya baunin niyo itong tanong at maging inspirasyon, "Para kanino ka buma-bangon?"