walang nakakaalam ng tunay na pangalan
di mo pinapakita ang iyong larawan
gamit ay huwad na katauhan
sa mundong nasa isip mo lamang
pinapakita ay puro kasinungalingan
pinapaniwala ang sangkatauhan
sapagkat walang nakakaalam
ng tunay na katotohanan
(chorus)
bida sa di nakikitang mga kaibigan
perpekto sa mundong nasa isipan,
ngunit malayo sa katotohanan
sapagkat ang lahat ay ilusyon lamang
matapang, malayang nasasabi ang kaisipan,
palibhasa di nakikita ng kalaban,
masasakit na salita ang panlaban,
kaba naman ang totoong nararamdaman
(chorus)
bida sa di nakikitang mga kaibigan
perpekto sa mundong nasa isipan,
ngunit malayo sa katotohanan
sapagkat ang lahat ay ilusyon lamang
pagkatao na katha ng isipan
walang katiyakan hanggang kailan,
magigising ka na lamang,
ang lahat ay ilusyon lang!