Ang Google Educators Groups (GEGs) ay isang samahan ng mga "local educators" na nagtutulungan upang sama-samang mapalawig ang kanilang mga kaalaman at magbigay inspirasyon sa isa't isa. Ang mga GEGs ay nagsisilbing daan para sa mga educators upang makapagbatuhan ng ideya at kaalaman at kinalauna'y maibabahagi sa kanilang kapwa educators at mga magaaral.