Ayon sa grado ng almoranas, ang sakit na ito ay maaaring gamutin sa bahay sa pamamagitan ng epektibong natural na mga pamamaraan. Ang malalang mga kaso ng almoranas ay nangangailangang maoperahan ng doktor.
Ang almoranas o tinatawag ding hemorrhoids ay isang uri ng pamamaga ng mga ugat sa tumbong ng isang tao. Ito ay puwedeng magdulot ng hirap sa pagdumi.
Napakaraming sanhi ng almoranas, ito ay ang edad, pagdadalang tao, pagtatae, pag-upo ng matagal, at uri ng mga kinakain.
Ang pangunahing sintomas ng almoranas ay ang masakit na puwet o tumbong. May nakausling bukol din na lumalabas sa puwet ng isang taong may almoranas.
Ayon sa grado ng almoranas, ang sakit na ito ay maaaring gamutin sa bahay sa pamamagitan ng natural na mga pamamaraan. Ang malalang mga kaso ng almoranas ay nangangailangang maoperahan ng doktor.
Maaari kang makaiwas sa sakit na almoranas sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing rich in fiber, pag-inom ng maraming tubig, at pag-e-ehersisyo.
(Reference: Ano Ang Mabisang Gamot sa Almoranas?)