Talibukas:
Ngayong ikaw ay Kristiano na (at matapos mong maunawaan ang tunay na kahulugan nito at ang mga tandang kaalinsabay nito) ay nararapat mo ring malaman ang ilan sa yong mga pangunahing tungkulin at mga karapatan bilang isang mananampalataya. Ang isa sa mga pinakaunang karapatan at tungkulin mo ay ang PANANALANGIN.
Ang bagay na ito ay itinuturing na tungkulin sapagkat nararapat gawin ng isang mananampalataya ngunit higit pa rito, ito ay itinuturing na isang karapatan sa dahilang hindi lahat ng tao ay maaring manalangin ng panalanging katanggap-tanggap sa Dios. Nararapat nating maunawaan na ang panalangin ay tuwirang pakikipag-ugnayan sa Dios. Ang pananalangin ay may mga mahahalagang bahagi: una, ay pagpupuri sa Dios; pangalawa, ay pagpapahayag ng kasalanan; pangatlo ay pagpapasalamat; at ang huli ay, paghingi ng ating mga pangangailangan at karaingan.
Ang Oras ng Panalangin:
A. Tayo ay dapat manananalangin lagi. (Lukas 18:1; 1 Tesalonica 5:17)
B. Ang salitang "Magsipanalangin kayong walang patid" ay nangangahulugan lamang na sa bawat sandali, tayo ay nararapat na makipag-ugnayan sa Dios.
C. Tayo ay dapat na manalangin sa umaga. (Mga Awit 5:3)
D. Tayo ay dapat na manalangin sa tanghali. (Mga Awit 55:17)
E. Tayo ay dapat manalangin. araw-araw. (Lukas 18:1)
F. Tayo ay dapat manalangin araw at gabi. (Mga Awit 88:1)
Ang Dako ng Panalangin:
A. Sa isang saradong silid. (Mateo 6:6)
B. Sa loob ng Iglesia. (Lukas 18:10)
C. Sa lahat ng dako. (1 Timoteo 2:8)
Ang mga dapat ipanalangin:
A. Ang mga ligtas. (Juan 17:20)
B. Ang ating mga kaaway. (Mateo 5:39, 44)
C. Ang pamahalaan at ang mga nanunungkulan. (1Timoteo 2:1-4)
D. Ang mga manggagawa. (II Tesalonica 3:1, 2)
E. Ang mga may sakit. (Santiago 5:13-16)
Ang mga Nararapat Isaisip Tungkol sa Panalangin:
A. Manalangin sa pangalan ng Panginoong Hesus. (Juan 16:26)
B. Sumunod sa mga utos ng Panginoong Hesus. (1 Juan 3:22)
C. Magpatawad sa mga nagkasala. (Markos 11:25)
D. Manalangin sa kalooban ng Dios. (1 Juan 5:14-15)
E. Magkaroon ng pananampalataya. (Markos 11:24; Santiago 1:6-7)
Mga Hadlang sa Panalangin:
A. Suliraning pantahanan. (1 Pedro 3:1-7)
B. Kakulangan ng pananampalataya. (Santiago 1:6-7)
C. Mga kasalanang hindi napagsisihan. (Mga Awit 66:18)
D. Hindi pagpapatawad. (Markos 11:25)
E. Panalanging mali ang motibo. (Santiago 4:3)
Taliwakas:
Ang tunay na mananampalataya ay nararapat na makipagtagpo sa Dios tuwi-tuwina. Ito ang tanging paraan upang tayo ay makipag-ugnay sa ating Ama. Sinasabi Niya na kaya tayo hindi tumanggap ay sapagkat hindi tayo humingi. Ito ay dapat na maging araw-araw at maya't-mayang gawain ng isang tunay na mananampalataya.