Talibukas:
Maraming tao ang nagsasabing sila ay Kristiano ngunit sa katotohanan ay hindi. Mayroong mga tanda ang isang tunay na Kristiano. Nararapat lamang na sinumang nagsasabing siya ay tagasunod ni Kristo ay mapatunayan ito sa pamamagitan ng kanyang buhay. (II Tim. 3:5,7; Tito 1:16)
Ang Isang Tunay na Kristiano ay may binagong buhay:
A. Ang tunay na Kristiano ay may bagong pag-asa. (II Corinto 5:1-5; 1 Pedro 1:3; 3:15)
B. Ang tunay na Kristiano ay may bagong pagnanasa. (II Corinto 5:9; Colosas 3:1-4; 3:17)
C. Ang tunay na Kristiano ay may panibagong lakad. (II Corinto 5:7)
D. Siya ay may bagong gawain. (Mga Gawa 1:8)(naghihikayat ng tao- II Corinto 5:11)
E. Siya ay may bagong hangarin. (1 Corinto 10:31) (pagluluwalhati sa Dios)
F. Siya ay may bagong motibo o layunin. ("ang pag- ibig ni Kristo ay pumipilit" - II Corinto 5:14)
G. Siya ay may bagong kaugnayan sa Dios. (anak na ng Dios- Juan 1:12)
H. Siya ay nakikianib sa Iglesiang nagtuturo ng tamang pananampalataya. (Mga Gawa 2:47)
Ang Isang Tunay na Kristiano ay may katiyakan ng kaligtasan:
Ang isa sa pinakadakilang tanda ng isang tunay na mananampalataya ay ang katiyakan ng kaligtasan.
A. Ang isang tunay na Kristiano ay tiyak ang kaligtasan at ito ay alam niya. (Roma 8:16,17; 1 Juan 5:11, 12, 13)
B. Ang isang tunay na Kristiano ay may patotoo ng Salita ng Dios. (Juan 3:16; 1; Juan 5:11, 12)
Ang Isang Tunay na Kristiano ay may bagong damdamin:
A. Siya ay may pagmamahal sa Panginoong Hesus. (Juan 8:42)
B. Siya ay may pagmamahal sa kaniyang kapwa tunay na mananampalataya. (1 Juan 3:14)
C. Siya ay may pagmamahal sa Salita ng Dios. (Juan 8:47; 1 Pedro 2:2)
D. Siya ay may pagmamahal sa kabanalan. (Hebreo 12:14)
E. Siya ay may pag-ibig sa gawain. (Mateo 28:18-20)
F. Siya ay may pag-ibig sa pagtitipon o pagsamba. (Hebreo 10:25)
Taliwakas:
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga tanda ng isang tunay na mananampalataya. Ang isang tunay na Kristiano ay nararapat na nagtataglay ng mga ito.