Talibukas:
Maraming mga maling paniniwala patungkol sa paksang ito. Madalas na ginagawang dahilan ng tao na ang hindi nila pagiging Muslim, Buddhist o pagano ay nangangahulugang sila ay Kristiano na. Pansinin natin ang ilang mga katotohanan:
Mga Maling Paniniwala:
A. Ang lahat ng tao ay anak ng Dios kaya massabing ang lahat ay Kristiano.
Ito ay hindi totoo sapagkat tinutukoy na hindi lahat ng tao ay anak ng Dios. (Juan 8:44)
Hindi lahat ng tao ay maliligtas o papasok sa kaharian ng langit. (Mateo 7:21)
Maraming tutungo sa impiyerno kaysa sa langit. (Mateo 7:13,14)
Maraming tao ang nag-aakalang sila ay ligtas ngunit hindi pala. (Mateo 7:22,23)
Kung ang lahat ng tao ay Kristiano at ligtas ay wala nang pinakawalang kabuluhang kamatayan kundi ang sa Panginoong Hesus; sapagkat Siya ay namatay upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan. (Efeso 1:7)
B. Ang tao ay naliligtas o nagiging Kristiano sa pamamagitan ng binyag.
Si Simon ay sinasabing nabinyagan ngunit napatunayang hindi ligtas o hindi Kristiano. (Mga Gawa 8:13-22)
Ang magnanakaw na napako sa kanan ng krus ni Kristo ay tinutukoy na ligtas ngunit hindi nabinyagan. (Lukas 23:43)
C. Ang pagiging miyembro ng isang relihiyon ay nakapagliligtas.
Si Hudas ay miyembro ng Panginoong Hesus at ingat yaman pa ngunit siya'y hindi ligtas. (Juan 6:70, 71)
D. Ang pagiging madasalin at relihiyoso ay nakapagliligtas.
Si Cornelio ay kinakailangan pang paalalahanan ni Apostol Pedro ng tungkol sa kaligtasan sa kabila ng kanyang pagiging relihiyoso. (Mga Gawa 10)
Tamang Paraan ng Pagiging Kristiano:
Sa Mga Gawa 11:26, tinutukoy na ang mga tagasunod ni Hesus ay mga Kristiano. Ang mga Kristiano ay yaong pag-aari ng Panginoong Hesu-Kristo. Bilang tanda, ang tunay na Kristiano ay tinatahanan ng Espirito ng Dios (Roma 8:9). Kung magkagayon, ang mga sumusunod na mga hakbang ang nararapat gawin upang ang tao ay maligtas o maging Kristiano:
A. Kilalanin mong ikaw ay makasalanan. (Roma 3:10, 3:23; Jeremias 17:9)
B. Pagsisisihan mo ang iyong mga kasalanan at humingi ka ng tawad sa Panginoon. (1 Juan 1:9)
C. Panampalatayanan at anyayahan ang Panginoong Hesus sa iyong puso na maging Panginoon at Dios ng iyong buhay. (Apocalipsis 3:20; Juan 1:12) At sa pamamagitan nito, Siya ay papasok sa yong puso at ikaw ay ililigtas Niya.
Ang mga Bunga ng Pagiging Ligtas o Kristiano:
A. Ikaw ay binigyan ng karapatang maging anak ng Dios (Juan 1:12)
B. Ikaw ay pinatawad sa lahat ng kasalanan (Efeso 1:7)
C. Ikaw ay binigyan ng kapayapaan ng Panginoon (Roma 5:1)
D. Ikaw ay binigyan ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16)
E. Ikaw ay ginawang mamamayan ng langit (Filipos 3:20)
F. Ikaw ay binigyan ng makalangit na mana (1 Pedro 2:4,5)
G. Ikaw ay binigyan ng bagong katauhan (II Corinto 5:17)
Taliwakas:
Ang tunay na Kristiano ay tinaguriang ligtas sapagkat siya ay inalis mula sa daan ng kapamahakan tungo sa daan ng katuwiran. Kung talagang ikaw ay lumapit sa Panginoon at tunay mo siyang tinanggap sa iyong puso't buhay, ang mga nabanggit ay makatotohanan sa iyong buhay.