Isinulat Ni: Angelo Onilongo Lalaan
Latag Ni: Amber Salvo
Nobyembre 6, 2025
๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ข๐ช๐ ๐๐โ๐ฉ๐๐ค ๐จ๐ ๐ช๐ข๐๐๐, ๐๐๐ก๐๐ข๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐๐๐.
Sa liwanag, akoโy isang lingkod-bayanโmalawak ang ngiti, busilak ang puso, at ang mga salitang binibigkas ay purong mga pangako. Ngunit sa tuwing akoโy nakukubli sa dilim, kung saan wala na ang mga aninong palaging nakamasid sa akin, isa akong ๐ข๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐ก, halimaw sa tala na palaging gutom sa amoy ng salapi.
Hindi ko piniling maging ganito. Ako ay bunga ng sistemang matagal nang bulok, kung saan ang pangungurakot ay hindi lang naituturing bilang isang kasalanan bagkus isang kalakaran. Paunti-unti ako nitong nilalamon, hanggang sa umabot ako sa puntong โdi na lamang lumaban nang patas, makasilay lang ng liwanag mula sa pagkakalunod sa madilim na sistema.
Hindi lahat ay kayang makita ang bakas ng mga dugong nagmarka sa katawan ko, na siyang pinagmulan ng patuloy na pag-iral ko. Ngunit dahil dito, marami na ang naaapektuhan. Ang mga taong araw-araw nang binibigo ng pamahalaan. Ang bawat pamilyang pinipili na lamang na mabuhay sa kawalan. At ang mga kabataang hindi na kayang maniwala sa liwanag ng pag-asa.
Ngunit bakit namin hahayaang pangunahan kami ng aming konsensya, kung ibabalik lang kami nito sa isang buhay na minsan na naming tinakasan.
Hindi nag-iisa ang isang kagaya ko rito. Pakalat-kalat na rin ang balitang umiikot sa baryo tungkol sa isang nilalang na ang mga matang pilak ay kumikislap sa dilim. Na sa tunog pa lang ng kaniyang pangalan, alam kong siya ay mas nakahihigit sa akin.
Ang nilalang na nagpakilala bilang si Kurakot.
Sa pagsapit ng dilim, nakita ko siya. Nasa itaas siya, tila maiging pinagmamasdan ang buong baryo.
Buong akala ko ay walang gaanong kakaiba sa kaniya, walang dalang panganib. Maliban sa kumikislap niyang mga mata, para lang siyang isang simpleng anino.ย Ngunit mula sa aking pagmamasid, natuklasan kong taglay niya rin ang kakayanan ng ibang nilalang na naninirahan sa baryong ito.
Nang maramdaman niya ang presensya ko, agad kong nasilayan ang agarang paglingon niya sa akin. Sa mga oras na โyon, naramdaman ko ang isang kamay na nasa loob ng dibdib ko, pinipisil ang laman na nagsasanhi sa pagtalsik ng katas ng pulang likidong mga ninakaw ko.
โAng dami mong kinain.โ Narinig ko ang boses niya na parang kalansing ng mga barya na nahulog mula sa kinalalagyan nito.
Mula sa kaniyang tuluyang paglapit sa akin, nakarating sa akin ang masangsang na amoy ng kayamanan. Mas dumiin ang kayang pagpisil sa aking laman, ngunit sa halip na tanggalin ang bahid na bumabakas sa kasamaan ko, tila parang mas dinagdagan niya pa ito sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
โKumuha ka pa,โ payo ni Kurakot.
Ang kaniyang kamay na punong-puno ng dugo ay ipinadaan niya sa mga labi kong natatakam doon, at nang matikman ito, nalasap ko ang sarap ng katas ng salapi, at ang halimuyak na amoy ng walang hanggang kapangyarihan. Ngunit habang tinatamasa ko ang mga ito, naramdaman ko ang pakikihating ginagawa ni Kurakot sa kaluluwang pag-aari ko.
Hindi rin nagtagal ay narinig ko ang kaniyang nakahihindik na tawang tunog bakal at barya. Lumabas siya mula sa kaniyang anino, at doon ko natuklasan ang tunay niyang anyoโbalat na parang nabubulok na pilak, ngiting punit mula sa wangis ng isang perang papel, at mga daliring nakapulupot sa kaniyang mga leeg.
Sinubukan kong gamitin ang aking mga pakpak upang pumantay sa kaniya, ngunit tila parang hinahatak ako pababa ng demonyo sa loob ko.
At sa mga pagkakataong โyon, natuklasan ko na ginawa niya โkong kaniyang pag-aari. Mula sa mga dugong ipinalasap niya sa akin, may taling iginapos sa aking kaluluwaโ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐จ๐ช๐ฃ๐๐ช๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ข๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐ค ๐ข๐๐๐๐๐๐ฌ๐.