Isinulat Ni: Eira Lontok
Latag Ni: Amber Salvo
Nobyembre 5, 2025
๐ผ๐ ๐ค ๐จ๐ ๐ฝ๐๐ ๐ช๐ฃ๐๐ฌ๐, ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ง๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ช๐๐๐ฌ ๐จ๐ ๐ก๐๐ฌ๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฌ๐๐ฃ.
๐๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฎ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ข ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฃ๐ช ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ช๐ญ๐ช๐ฎ?
๐๐ญ๐ข๐ฎ ๐ฎ๐ฐ ๐ฃ๐ข ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ญ๐ช๐ฌ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ช๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ธ ๐ฏ๐ข ๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐จ?
Ito ang pitong buwan na siyang nagpapaliwanag kahit akoโy nasa kalalim-laliman ng karagatang aking tahanan. Ang liwanag nito ay siyang naging dahilan sa patuloy na pagbubuo ng paninibugho sa aking nararamdaman. Saksi ako kung gaano kadilim ang aking kapaligiran sa karagatan, kayaโt akoโy nagpasya na gamitin ang buwan para sa sariling kapakinabangan. Kung kakainin ko ang buwan, makakamit ko na ba ang liwanag at kasiyahan na inaasam sa buong buhay na pagtitiis ko?
Ngunit sa bawat kagat ko sa liwanag, nadarama ko rin ang pagdilim ng aking kaluluwa.
Ang pitong buwan na siyang nagpapaliwanag sa madilim na gabi ay tila ba nagbibigay ng gabay sa mga nilalang sa ibabaw ng lupa. Ngunit ang nakasisilaw na liwanag na binibigay ng mga buwan ay siya ring nagpasiklab sa pagnanasa ng kapangyarihan sa puso ng ilan. Isang nakababahalang pakiramdam na patuloy na umuusbong sa bawat pagdaan ng araw, sa ibabaw ng bawat agos ng alon sa karagatan.
Mula sa aking tahanan, tanaw ko ang mga taong nilamon ng ganitong kasakiman.
Ang korapsyon ng bansa na patuloy na ginagawa ng mga taong nasa itaas ng estado upang makamit ang kanilang pangsariling satispaksyon. Walang pinagkaiba ang bakunawa sa mga korap na ginagamit ang kanilang sariling kakayahan upang makapanglinlang sa mga mamamayan. Ang suliranin na korapsyon ay patuloy na nagpapadilim sa bansa sa mga nagdaang taon. Dahil sa kanilang ginagawa, unti-unting nawawala ang tiwala at liwanagโang pag-asa na hinahangad ng bawat mamamayang Pilipino upang makamit ang katiwasayan para sa kanilang bayan.
Sa paglipas ng mga gabi, habang akoโy nakamasid sa kailaliman, nasaksihan ko kung paanong tumindig ang mga tao laban sa pangangambala ng dilim. Hangad ng karamihan ang pagbagsak ko na siyang ibabaon sa kalalim-laliman ng malawak na karagatan upang itigil na ang kasakiman na aking dala. Sa huli, akoโy nananatiling anino sa ilalim ng dagat, habang sila ay patuloy na nakikipaglaban para makamit ang liwanag. Ang liwanag ay mananatiling gabay upang magbigay katiyakan sa kapayapaan sa pagbabalik ng wastong sistema sa kanilang bayan.
Maging sa aking unti-unting paglubog, nanatili silang ilaw na hindi kailanman maabot ng dilim.