Isinulat Ni: Enzo Lacson
Latag Ni: Amber Salvo
Nobyembre 7, 2025
๐๐๐ฉ๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ. ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ก๐. ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐ข๐๐ก๐๐ข๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ช๐๐๐ฃ.
Ang sinag ng araw ay ang isa sa mga likas kong kahinaan, na kayang pumaslang sa mahigit sandaang taon kong paglalakad sa mundong ibabaw. At ang sinag ng araw lamang ang kayang bumunyag sa dalawang siglong pamumuno ng aking angkan sa bayan na ito.
Naalala ko noong isinuka ni lolo ang isang itim na sisiw at pinilit na ipinalunok ito saโkin. Ang sabi niya noon, โApo, dahil ang angkan natin ay isinumpa ng mga mangkukulam, sa iyong ina na lamang ang hangganan ng ating kapangyarihan. Kailangan mong lunukin itong itim na sisiw upang hindi makapon ang pamumuno natin sa bayang ito.โ Nang lunukin ko ang sisiw ay hindi lang ang kapangyarihan ni lolo ang dumaloy sa akin, kasama na rin dito ang kanyang imortalidad, ang pagkahumaling sa dugo, at ang kagustuhang mamuno sa mga mortal.
Dahil dito, ang unang ideya na pumasok saโking isipaโy mayroon akong mahabang panahon upang magpundar at magpayaman. Magsisimula ako ng Annual Bloodletting Program sa bayan na ito upang hindi magutom ang aming angkan ng mga Aswang. Nagdaan ang mga panahon at hindi pa kami nakuntento rito, dahilan kung bakit namin ginawang dalawang beses sa isang taon ang bloodletting.
Kapag hindi sapat ang nakalap na blood bags mula sa volunteers ay uutusan namin ang aming mga tauhan na kumidnap ng mga bata. Dito nga nagsimula ang alingawngaw na may isang sindikato raw na pinagkakakitaan ang mga lamang-loob ng mga nadakip. Wala silang kaalam-alam na kami ang may kagagawan noโn, kahit mismong mga magulang pa ng mga bata. Subalit, tama ang kanilang hinala, pinagkakakitaan nga namin ang mga lamang-loob nila, โpagkat gaya ng nakararamiโy kailangan din namin ng pondo.
Dumating ang petsa ng pangangampanya at halos lahat ng mga botante sa bayang ito ay sumisigaw ng โIbotong muli si Kurakot! Numero 67 sa balota!โ Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na itong mahahalal bilang alkalde. Gayundin ang mga anak ko na magiging kapitan muli ng mga barangay nito.
Dahil sa aming tiyak na tagumpay ay masyadong maagang nagdiwang ang aking asawaโt mga anak. Kahit hindi petsa ng Annual Bloodletting ay inutusan nila nang inutusan ang mga tauhan na kumidnap ng mga bata bilang pagpipista, pagpapakabusog, at pagkalulong sa dugo ng mga inosente. Naging hambog sa aming yaman at tuluyang nahumaling sa pagiging gahaman.
Hanggang sa natuto ang mga mamamayan ng bayan na ito. Naimbestigahan ang pagkawala ng kabataan, ang ghost health centers para sa Annual Bloodletting, at ang pinanggagalingan ng aming kayamanan. Natutunan nilang gumamit ng buntot-pagi, ng asin, ng bawang, at itinulak kami tungo sa sinag ng araw. Nang kami ngaโy madiin at mabunyag, pinigilan ako ng aking mga anak, ng aking asawa, na lumakad tungo sa ilalim ng sinag ng araw. Sapagkat sapat na ang nasaksihan ko sa mundong ito, ang paghahari ko sa bayang ito, at ang pagkaganid sa kapangyarihan ng angkang ito. Habang unti-unting sinusunog ng araw ang aking balat, aking inihayag sa madla:
โ๐ผ๐ ๐ค ๐จ๐ ๐๐ช๐ง๐๐ ๐ค๐ฉ, ๐ข๐๐ฉ๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ, ๐ข๐๐ฉ๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ก๐, ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฉ๐๐๐๐ก ๐ ๐ค ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ข๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฎ๐ค.โ