Written By: Ma. Nicole Francesca N. Mercado
Publication Material By: Diana Pamplona
August 30, 2025
𝘿𝙤𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙩𝙞𝙗𝙤𝙩, 𝙏𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙖
Nakaukit pa sa aking isipan,
Isang memoryang hindi ko malimutan,
Ang pagtapak sa binansagang 𝘽𝙖𝙩𝙞𝙗𝙤𝙩 ng paaralan.
Unang taon ko noon at ako'y mag isa,
Pag umupo sa batibot ay hindi ko ito dama.
Huni ng ibon at daldalan ng madla,
Kakaibang musika sa aking tainga.
Sa lugar na ito kung sa’n ako'y walang kasama,
Mag-isang kumakain at nagpapahinga;
Nahanap ng diwa ko ang katahimikan at pag- asa.
Akala ko noon ay ayos lang mag-isa,
Pero bakit puso’y puno ng pangamba?
Mistulang sakit na hindi ko magamot,
Mga bagong kakilala ay pinagdamot
Iyon ang lungkot na sigaw ng isang makata.
Sa unang taon rito sa paaralan
Ang Batibot ang aking naging sandalan.
Matao ngunit hindi ko ito pansin
Ang simoy ng hangin ay malambing
Sa ilalim ng puno, doon ang lilim.
Santuwaryo ang turing ko sa batibot,
Isang lugar na hindi ko malimot
Importanteng aral, sa isip ay bumalot
Takbo ng buhay ay wag madaliin
Hiling mo'y makakamit din.
Sa munting espasyong ito,
Sa init ng bangko tuwing maaraw,
Sa kinang ng mga lampara sa dilim
Nagtitipon ang lahat ng institusyon;
Ang batibot ay takbuhan ng bawat henerasyon.
Dumaan ang araw, linggo, at buwan,
Pananatili ko sa batibot ay nabawasan.
Unti-unting kumakawala,
Sa lugar na aking nakasanayan,
Kasabay nito'y paglaho ng aking pangamba.
Maraming damdamin ang nangibabaw,
Pagiging mahiyain ko'y natunaw.
Wala na ang takot na makisama sa iba
Maskarang tumatakip sa aking emosyon
Ang bumasag sa katahimikan ko ngayon.
Taon ang lumipas bago napagtanto,
Ayos lang mapag-isa sa kolehiyo.
May pagkakaibigang panandalian lamang,
At mayroon namang pangmatagalan
Ang matibay na samahan ay hindi sapilitan,
Bagkus sumisibol mula sa tiwala at pag-uunawaan.
Tatlong taon na akong naririto,
Batibot ay kailanman hindi nagbago
𝘼𝙩 𝙖𝙠𝙤? 𝙖𝙠𝙤'𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙖𝙜𝙤.
𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙖 𝙖𝙩 𝙡𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖;
𝙏𝙞𝙡𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙩𝙞𝙗𝙤𝙩 𝙖𝙮 𝙞𝙨𝙖 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙚𝙢𝙤𝙧𝙮𝙖.