Natutunan ko ang pagkakaiba ng pangungusap sa parirala.Â
Nabasa ko ang kwentong " Dahil Lang sa Sapatos" at ito ang naalala ko mula sa kwento. Sinikap kong magkwento sa Filipino.
Natutunan ko mula sa kwento tungkol sa sapatos na huwag dapat tayong manghusga base lamang sa kasuotan ng ating kapwa. Dapat nating respetuhin ang bawa't tao dahil sila din ang nilikha ng Diyos.
Natutunan ko kung paano tukuyin ang simuno at panaguri sa isang pangungusap.
Binasa namin ni Yumi ang kwento ng Mahiyaing Manok at ito ang aking iginuhit na nagpapakita ng pagiging mahiyain ni Onyok.
Natutunan ko ang tungkol sa mga magagandang tanawin sa iba't-ibang bansa. Dito ay iginuhit ko ang Ha Long Bay na matatagpuan sa Vietnam. Nanaliksik din ako tungkol sa Ha Long Bay gamit ang internet at aking isinalin sa Filipino ang mga natutunan ko.
Natutunan ko ang tungkol sa iba't-ibang uri ng pangungusap - ang pasalaysay, pautos, o pakiusap, padamdam, at patanong. Mahusay kong nasagutan ang unang pagsasanay tungkol dito at wasto ang mga bantas na inilagay ko sa bawa't pangungusap.
Binigyan ako ni Mommy ng isa pang pagsasanay tungkol sa mga uri ng pangungusap ngunit sa paraang palaro. Mahusay na din pala akong bumuo ng mga pangungusap sa Filipino nang pasalita!
Binasa namin ang tungkol sa pananampalataya ni David at ito ang naalala ko sa kwento. Sinubukan kong ikwento ang lahat ng detalye sa Filipino at sa tingin ko naman ay nagawa ko ang makakaya ko upang magsalita sa Filipino. :-)
Nakagawa ako ng mga halimbawa para sa apat na uri pangungusap ayon sa pagkabuo o kayarian. Pinakamahirap ang bumuo ng pangungusap na langkapan ngunit nakabuo ako ng isang tamang pangungusap at sa tulong ni Mommy ay naitama ko ang pangalawang pangungusap na ginawa ko.
Binasa namin ang isang balita tungkol sa dalawang batang Pilipino na nanalo sa isang kompetisyon sa larangan ng sining. Natutunan ko na ang pinaka-importanteng bahagi pala ng balitang iyon ay pagkapanalo ng mga Pilipino na nagbigay karangalan sa ating bansa.