Nabasa namin ang kwento tungkol kay Ate Senia na mapagmahal at matulungin sa kanyang mga kapamilya. Natutunan ko din ang tungkol sa salawikain na "Kapag may itinanim, may aanihin."
Natutunan ko ang tungkol sa kaukulan, kailanan, at panauhan ng panghalip panao.
Natutunan ko mula sa Salmo 119:2 na ang pagsunod sa mga magulang ko ay mahalaga dahil sila ang nakakaalam ng mabuti para sa akin.
Natutunan ko ang tungkol sa mga panghalip panaklaw.
Natutunan ko ang tungkol sa mga panghalip pananong at ito ang aking sinagutang pagsasanay tungkol dito.
Nabasa ko ang tungkol kay Pablo at Timoteo at kung paanong tinuruan si Timoteo ng kanyang lola at ina tungkol sa Dios. Natutunan ko din na dapat natin mahalin ang ating mga kapamilya dahil sila ay tumutulong sa atin at nagbibigay ng ginhawa para sa atin. Dito ay nahirapan akong magsalita sa Filipino ngunit sinubukan ko pa rin kung hanggang saan ang makakaya ko.
Binasa namin ang kwento ni Fuwan. Sinubukan ko muling magsalita sa Filipino at mukhang humuhusay na ako sa pagsasalita.
Gumawa ako ng isang liham pangkaibigan para sa aking pinsan na si Nikoy.
Nakasulat ako ng mga pangungusap gamit ang tatlong uri ng pang-uring pamatlig.
Binasa namin ang kwentong "Liham Pangkaibigan". Muli kong sinubukan na magsalita sa Filipino at mahaba-haba na rin ang nasasabi ko nang diretso sa Filipino. Natuwa ako sa kwento dahil mahal ng pamilya nila Sharon si Ate Jenny at nagtutulungan sila. Napagusapan namin ni Mommy kung paano ko din maaaring mahalin si Ate Marlyn namin.
Binasa ko ang kwento ni Kristine at ng kanyang pamilya. Nakita ko kung paano sila nagtutulungan sa paghahanda para sa kanyang kaarawan, sumusunod sa habilin ng kanilang magulang, at nagmamalasakit sa ibang tao.
Nakabisado ko ang ilang bugtong at nakabuo din ako ng sarili kong bugtong. Pakinggan ito hanggang sa huli at subukan mong sagutan ang bugtong na aking ginawa.