Ito ang natutunan ko mula sa pagbabasa namin ng isang kwento tungkol sa pagtutulungan.
Ito ang naalala ko mula sa Alamat ng Palay. Unti-unti na akong natututong magsalita nang diresto sa wikang Filipino. Mas marami pa sana akong naalala sa kwento ngunit hindi ko na ito ikinuwento sa Filipino.
Ito ang naalala ko mula sa kwento tungkol sa pagbibigay galang sa mga nakatatanda sa akin.
Binasa namin ang kwento tungkol sa Pagtitiwala sa Panginoon. Sabi ni Mommy, humuhusay na daw ako sa pagsasalita sa Filipino. Mahaba-haba na din ang aking nasasabi sa wikang Filipino nang hindi masyadong tumitigil.
Natutunan ko ang iba't-ibang anyo ng mga salita.
Binasa namin ang Kawikaan 3:5 at natutunan ko na dapat ay magtiwala ako sa Diyos sa lahat ng panahon dahil lahat ng ginagawa niya ay tama at mabuti, masaya man o malungkot ang nararanasan natin.
Binasa namin ang Ambisyosong Istetoskop at ito ang paborito kong parte ng kwento. Kahit nahihirapan akong magsalita sa Filipino, hindi ako tumigil sa pagkwento at pag-alala ng mga salita sa Filipino. Natapos ko rin sa wakas!
Natutunan ko ang mga pantangi at pambalana na pangngalan at kung paano kilalanin ang mga pantanging pangngalan sa mga pambalanang pangngalan.
Natutunan ko ang tungkol sa kasarian at kailanan ng mga pangngalan.
Ito ang mga paborito kong tula mula sa unang markahan, Butiki at Bubuyog ni Rosalina M. Goulet. Masakit ang aking ulo at masama ang aking pakiramdam ngunit pinilit kong bigkasin ang mga tula dahil paborita ko sila at sila'y nakakatuwa.