Ano ang "Damayan sa Diliman"?

Ito ay hotline numbers ng mga boluntaryong kawani ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman na inorganisa ng lokal na tsapter ng All UP Workers Union upang makatugon sa mga kawaning nangangailangan ng tulong at suporta kaugnay ng suliraning kinahaharap sa Covid-19 o iba pang kalamidad. Layunin nito na maasistehan ang mga kawani sa mga impormasyong kailangan nito, kagyat na tulong na kayang ibigay ng AUPWU-Diliman, at maging kaagapay sa panahong may pinagdaraanan ito at ang kanyang pamilya. Ilan sa pangunahing suporta na maaaring maipagkaloob nito ay ang mga sumusunod:

Direksyon at payo kung ano ang mga dapat gawin:
a.
Pagbibigay ng numero na dapat tawagan para sa Silungang Molave. Pangagangailangan ng koordinasyon sa Barangay UP Campus o numero para sa mental health concerns.
b.
Payo sa mga paghahandang gagawin sa pagpunta sa quarantine facility at set-up sa iiwanang pamilya.
c.
Paghahandang gagawin para sa ibang kalamidad

Monitoring/ Pangungumusta sa kawaning apektado ng Covid-19 o iba pang kalamidad


Anumang maibibigay na tulong sa abot ng kakayahan ng mga kawani, ng All UP Workers Union at komunidad ng Diliman.


Makakatiyak rin na ang impormasyon at pagkakakilanlan ng sinomang kawani na apektado ng Covid-19 o iba pang kalamidad ay mapoproteksyunan.

Para naman sa mga nais magpaabot ng tulong maaaring makipag-ugnayan sa alinman sa numero ng Damayan sa Diliman o tanggapan ng All UP Workers Union.