Ako si Erlinda Tolentino, 80 taong gulang at ngayon ay aking ilalahad sa inyo ang aking kinaharap na karamdamang stage 4 Cancer, at ito ang aking kwento:
Nagsimula ang sakit kong noong taong 2012. Noong una kong napansin na may tumutubong bukol sa aking kaliwang dibdib. Akin itong ipinakita sa bunso kong anak na si Rex, sya nalang kasi ang kasama ko sapagkat ang mga kapatid niya ay may sarili ng pamilya at nagtatrabaho sa ibang bansa. Bagamat ako ay mapanalangin at mapanampalatayang tao, ay hindi ko maitatanggi na ako ay natatakot din, kung kaya’t ako ay napapagsasabihan ng mga doctor na napupuntahan namin ni Rex…ang kanilang laging tanong ‘bakit ngayon lang kayo nagpapatigin!’ Ang bukol na ito ay hindi ko namalayan ang paglaki, kung kaya’t dinala ako ng aking anak sa Doktor at dun ko unang natikman ang kirot ng karayom ng biopsy, at ang resulta ay ‘Ductal Carcinoma.’ Simula din ng unang biopsy ko noong 2012 ay lalu akong nakaramdam ng takot sa pagpunta sa mga ospital dahil alam kong dadaanan na naman ako sa mga proseso gaya ng biopsy. Ito rin ang dahilan kung bakit tumagal pa ng 3-taon bago ako nakumbinsi na magpatingin muli sa Doctor noong 2015. Dito ay nakilala namin si Doctor Reynaldo Joson. Bago namin napuntahn ang clinic ni Dr. Joson sa Manila Doctor’s ay may una pa kaming nakausap na Doc. Sa PGH at laking gulat namin nang malaman naming studyante lang pala ni Dr. Joson yung Doctor ang Doctor na ito. Sa madaling sabi ay mas lalu akong nakumbinsi na ipagkatiwala ang aking karamdamdam kay Dr. Joson dahil sa sya ay may higit na karanasan bilang espesyalista sa sakit na cancer, na isang Onco-Surgeon, at guro ng medisina. Ipinakita nya sa amin ang kanyang mga successful na operasyon sa kanyang mga pasyente. Kanyang naipapaliwanag ang mga mahihirap unahin sa paraan na maabot ng pangunawa ng mga karaniwang tao na tulad koing may edad na. Sa madaling sabi ay pumayag uli ako na magpa biopsy at ayon sa biopsy na kanyang ginawa sa akin ay nasa stage 3-b na pala ang aking cancer noong December ng 2015, bagamat ako ay natatakot ay nakumbinsi na rin akong magpa-opera sapagkat napapansin ko na ang aking bukol ay palaki na ng palaki at namumula na ito ng namumula ito. Sa madaling salita matapos ang operasyon ay naging matagumpay ang pagtanggal sa aking breast tumor ni Doc. Joson. Natanggal ang bukol ko sa aking dibdib. Kinabukasan lang ay nakauwi na kami sa aking bahay sa Bulacan, mula sa Manila Medical Center. Kada buwan ako ay nagpa-follow-up medical checkup kay Doc. Joson sa Manila Doctor’s Hospital. Sa dahilan na hirap sa pag-commute, minsan lang kasi magamit ang kotse ng isa kong anak kaya hindi naging tuloy-tuloy ang aking pagpunta kay Doc. Joson nagtagal lamang ito ng hanggang 2017. Alam ko rin na hindi lubusang nawala ang cancer sa aking katawan at ito ay maaring bumalik, na sa panahong iyon ay may nakakapa naring bukol sa aking leeg. Mula noon ay umasa na lamang ako sa mga herbal tulad ng vitaplus, mga produkto ng iba’t ibang networking company: health-forum, healthy life, AIM Global, at halos lahat na ng mga networking health and wellness products tulad ng kay Dr. Farah products ay nasubukan ko na, sa pag-asang ako ay gagaling, makakatipid at higit sa lahat ay maiwasan na ang karayom sa ospital. Pero iba ang nangyari parang kabaliktaran. Kung susumahin ay parang mas napagastos pa kami ng mahal, umabot din sa mahigit 300k ang lahat-lahat na nagastos ng aking mga anak para sa mga herbal products. Oo, ako ay nakaligtas sa mga karayom ng ospital sa loob ng 2 taon.
Hanggang dumating na ang araw na kinatatakutan at hindi ko inasahang lalaking muli ang tumubong bukol sa aking leeg. Ngayon taong 2020 buwan ng Marso. Ito ay may malansang amoy. Ang stage 4 na ito ay kinumpirma sa Jose Lingad na ‘Lympedema.’ Ang aking anak na si Rex ang higit at tangi kong kasama at gabay upang maintindihan ko ang mga sinasabi ng doctor tungkol sa aking sakit at kalagayan. Mula noon ay ramdan ko na ang hirap sa paghinga, pagkirot ng aking bukol, hirap sa pagdumi at pag-ihi,madalas na madaling hingalin,at laging hapo.
Mas lalu akong natakot! Idinadaan ko na lamang sa pananalangin at pag-awit ng mga papuri sa Diyos upang mawala ang aking takot. Kasama narin ang pakikipag-usap ko sa video call sa aking mga anak at mga apo sa ibang bansa, sa ganung kaparaanan ay kahit paano at kahit sandali ako’y nakalilimot sa aking mga pag-aalala at takot sa kung ano ang aking kahihinatnan. May pagkakataon ding nalilimutan ko ang sakit sa tuwing nanunuod ako ng tv, at lalu na sa aking pakikinig ng salita ng Diyos sa FEBC 702 DZAS Radio. Lagi lang akong nag-iisip na gagaling ako sa aking pag-inom ng mga herbal, ng mga gamot at pagkain ng mga masusustansyang pagkain at pananalig sa Diyos. Kahit na ramdam ko ang aking panghihina hindi ko ipinapakita sa mga taong dumadalaw sa akin na ako’y mahina na, kaya para hindi nila mahalata ng labis ang aking panghihina ay pilit akong umuupo mula sa aking pagkakahiga, sinasabihan ko rin ang anak kong si Rex na ‘wag ng sabihin sa aking mga kasama sa simbahan at mga kakilala ang aking kalagayan. Minsan tinanong ko si Rex kung mawawala pa ba ang bukol ko sa leeg at kung ako ay gagaling paba…ang sagot nya sakin, ‘Nay, basta manalig lang tayo sa Diyos, inumin ang gamot, at kumain ng wasto, matulog ng sapat at magtiwala sa Diyos – hindi ko po kayang sagutin kung kayo ay gagaling pa.’
Sa araw-araw na pagpapalakas ng loob ng aking mga anak ay sapat na naging tulong para harapin ang sakit na Cancer. Maging ang madalas na pagpapaalala ng mga masasayang alala at pagkukuwento nito. May pagkakataon na din na ibinilin ko na kay Rex ang ilan sa aking mga hinuhulugang lote sa sementeryo, pati ang aking kabaong, at maging mga time-deposit, kung ano ang dapat gawin dito at kung kanino mapupunta. Alam ko narin na palubha na nang palubha ang aking sakit. Lalu ko itong naramdaman noong Hunyo taong kasalukuyang na may mga araw na halos 24 oras kong tulog.
Walang katiyakan sa mundo. Katulad ng sakit na cancer hindi natin lubos na matitiyak kung tayo ay gagaling o hindi. Sa totoo lang hindi ito madaling harapin, sa totoo lang hindi madaling desisyunan kung ano ang mas tamang gawin. Ang mga manggagamot na nag aral ng mahabang panahon ay may sapat na kaalaman at karanansan – sundin ang Doktor na ating pinagkakatiwalaan, sapagkat sila ay ginagamit ng Diyos bilang instrumento ng pagpapagaling. Habang bata pa ay maging intensyonal sa pagkakaroon ng malusog na resistensya dahil kung sisimulan natin ito na tayo’y may edad na ay maaring huli na ang lahat na kahit anong pilit pa nating habulin na pagalingin ang dadapong karamdaman ay hindi na talaga kaya, hindi na pede, dahil na rin sa kung tayo ay may edad na ay hindi na kayanin ng ating resistensya ang mga proseso ng gamutan. Habang may buhay may pag-asa kung kaya’t ating gawin ang ipinayo ng doctor. Sa totoo lang lagi tayong humaharap sa panganib ng buhay – walang 100% assurance sa mundong ito, mas maigi ng harapin ang ating kinatatakutan kaysa ito ay pilit na iwasan. Sa aking sitwayon natakot akong harapin ang kirot ng mga karayom sa tuwing may mga kailangang gawing medikal na proseso tulad ng lab. Test. Ang huli kong pinagdaanan ay ang ctscan with contrast. Doon ay labis kong ininda ang mga injections at gamot na itinurok sa akin. Bilang may edad na ay mahina na siguro ang aking tolerance sa pain, na ayon sa mga naging doctor ko na ang mga cancer patients daw ay sadyang madali ng makaramdam ng kirot.
Si Lhea ay na magiging asawa ng aking anak na si Rex ay aking tinanong ang parehong tanong kay Rex dati na kung ako ay gagaling pa, at ako ay napaisip muli dahil sa kanyang sagot: Sabi ni Lhea sa aking tanong kung ako ay gagaling pa ay, ‘siguro nay kung pumayag lamang po kayo na magpa opera uli para matanggal ang bukol na muling tumabo sa inyong leeg siguro ay baka hindi na lumaki pa yung bukol nyo sa leeg at baka sakaling gumaling pa po kayo. Kaya lang po ay natatakot na po kayong pumunta sa ospital at magpa biopsy at magpa opera.’ Ako ay natigilan sa sagot sa’king ito ni Lhea at napaisip na siguro nga ay tama sya. Siguro nga ay tama sya hindi ito ang kahihinantnan ng hindi ko pagpapa opera, na ang bukol ko sa leeg ay labis na lalaki at namaga ng husto ang aking braso na kumikirot araw-araw – ako’y humihiyaw sa kirot sa tuwing sumasakit ang pamamaga ng aking braso at kirot ng bukol ko sa leeg. Sana! Sana! Sana! Sana ay hinarap ko nalang ang aking takot sa mga karayom at operasyon! Sa madaling salita, ang aking maiiwang karagdagang payo ay harapin ang iyong takot.
Sa kabilang banda, kapag tinatanong ko ang mga doctor na tumitingin sa akin, iba-iba ang kanilang pananaw, pamamaraan ng pang gagamot at paniniwala sa kung ano ba ang dapat gawin sa aking sakit. Ito ay nakadagdag sa aking naisin na ‘wag nalang muling magpa opera.dahil ang isipan ko ay wala naman katiyakan na ako ay gagaling. Kung kayo ang nasa kalagayan ko, ano ang inyong gagawin? Hindi ko rin masabi na 100% na tama ang aking kaisipang ito. Sa katapusan ang Diyos parin ang nakaaalam ng lahat ng bagay at pangyayari sa ating buhay, “ang lahat ng bagay ay magkakalakip-lakip na gumagawa para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya.” Roma 8:28. Huwag alisin ang pagtitiwala sa Diyos hanggang sa kunin ng Diyos ang huling pintig ng aking buhay, dahil maging sa dilim at lungkot ng pagpanaw ang Panginoon ang ilaw at kapayapaan.
Bilang pagtatapos ng aking kwento, ako nga ay nasa huling yugto na ng aking buhay, hindi man ito sabihin sa akin ng aking mga anak ay alam ko at ramdam ko – ng aking sariling katawan ang sakit na dinaranas kasabay ng mga pagkirot ng aking namamagang braso at nagsusugat na bukol sa leeg. Kung kaya’t nung una ko palang malaman na ako ay may cancer noong 2012, inihanda ko na ang aking sariling kabaong at paglilibingan upang ang aking mga anak ay hindi na mag alala pa sa mga gastusin. Ibinilin ko narin kung kanino sa mga anak ko mapupunta ang aking mga naging ari-arian at salaping-ipon. Sa madaling sabi ang kahandaan sa pagharap sa kamatayan ay kailangan nating tanggapin at ito’y nagiging magaan sa taong may pananalig sat mabuting kalooban, dahil alam nating ang pagpanaw ay paglipat lamang sa kabilang buhay upang makasama na natin ang Diyos Amang May Likha sa buhay na walang hanggan. Gusto ko man sanang mabuhay pa sa mundong ito, subalit alam ko na kailangan ko rin maging handang tanggapin kung ako man ay hindi na palarin pa na pagkalooban ng Diyos ng himala at karagdagang-buhay. ‘MAGING HANDA SA KABILANG BUHAY’ ay ang pinakabuod na aral na aking natutunan na nais kong ibahagi sa inyo bilang naglakbay sa karamdamang cancer. Hindi lamang kahandaan sa pagpunta sa langit, kundi kahandaan sa mga bagay-bagay dito sa mundo habang nabubuhay at para sa ating maiiwan na mga mahal sa buhay.
Nais kong pasalamatan ang mga manggagamot na nagbigay ng kanilang buong pusong pagapapahalaga sa aking karamdamdan. Sa kanilang pagsisikap na ako ay tulungang mapagaling, sa kanila na nagbuhos ng kanilang kaalaman, karanasan, kasanayan sa larangan ng medisina. Salamat din sa aking mga kaibigan, kasamahan sa simbahan, kamag-anakan, mga apo at mga minamahal na mga anak. Sa kanilang pagisisikap na ako ay mapagamot, sa kanilang pagtutulungan bilang mga anak sa mga gastusin ng aking operasyon, at pagpapaospital at sa butihing Dr. Reynaldo O Joson. Salamat po sa inyo Doc. Reynaldo O. Joson hanggang sa aking huling sandali.
Salamat sa inyo aking mga anak! Mahal na Mahal ko kayo.
Salamat sa Diyos!
Erlinda
Ang Cancer… noong narinig ko ang uri ng sakit na ito ay walang anumang epekto sakin; not until the first time that my mom told me of her tumor on her breast year 2012. I was shocked. Petrified with unspeakable fear! Totoo talaga na kapag hindi tayo ang misimong dumadaan sa pagsubok ay tila napakagaan lamang na sabihin na ‘cancer lang yan,’ ‘kaya mo yan’ at kung anu-ano pang pagbibigay lakas-loob sa taong may cancer, pero iba pala talaga kung ikaw na misimo ang dumaranas ng sakit na ito o ang iyong mahal sa buhay.
Ako si Rex Tolentino, 39 taong gulang ng City of San Jose Del Monte Bulacan. I am the youngest son of Erlinda Tolentino, a stage-4 breast cancer patient of Dr. Reynaldo Joson. Ako ang buhay na patotoo sa naging journey and struggles ni nanay sa sakit nyang ito. Ako ang nagsilbing caregiver nya sa loob ng limang taon of her survival as cancer patient.
My mom was diagnosed of ‘ductal carcinoma’ in 2012. Mula noon ay sinikap kong maagapan ang sakit ng mahal kong ina. Sa panahon na ‘yon ay naghahanap kami ng tamang Doctor with the hope na sya ang perfect fit to cure my mom’s illness. During those years 2012‘till 2016 I was at CBN Asia. Then one of my colleagues told me about the named Dr. Reynaldo Joson and to make the long story short, Doc. Joson did a great job to remove the breast tumor of my mom. Unfortunately we failed to consistently follow-up with him. The follow-up consultation lasted only in 2017, her recurrent tumor on her neck gradually increased, started on March 2020. We met again Dr. Joson thru his online consultation this month of May and he explained to my whole family the real situation of my mom that she has no cure at all. We need to accept and face the reality and fear of her death. He also gave ‘Palliative’ Care. He instructed me on how to clean and dress the wound on my mom’s neck as well as managing the swelling. He is a quick responder especially during the time that my mom was experiencing an ‘excruciating pain’ then with Mr. speedy courier he was able to send me the prescription. I know every day that my mom got closer and closer to the curtain call. In fact every time I wake up, I always check if she’s still breathing. She only survived in her stage 4 Cancer from March to July 27 this year. Her last hospital confinement lasted in almost 2 weeks at KAIROS General Hos. CSDJM, Bulacan. Dr. Joson has helped me to conquer my fear of losing my mom, till last breath he advised a ‘hospice care’. If only my mom has no pain, I would so much willing to take care of her even for another more than 10 years. The positive note of her lost - she’s now in the comfort of Abraham’s Bosom. Her separation is just temporary.