Nudo Gordeano
Nudo Gordeano
Ang karapatan ng lakas
Sa pinto ng templo ng Diyos Jupiter
sa nayong malapit dagat na buhangin,
silong-silong lubid doo’y ibinitin
ng haring si Gordeo at may letrang bilin.
Ang kahi ma’t sino na makakakalag
lubid na palagay ay magkakapalad
na ang kalahati ng kaniyang ciudad
ipagkakaloob niyang minarapat.
Kay Alejandro Magnong ito ay matingnan
ninasang kalagin; sa di matutuha’y
binunot ang tabak at ang isinaysay,
kalagin at putlin ay isa rin lamang.
Sa kay Alejandro Magno kita ay maparis
ng salitaan ta, kaya nga’t kung ibig
yamang di magtama ang ating matwid
pagkaisahan tang putulin ng kalis.
Mga Tala
Ang komedyang Nudo Gordeano ay maaaring tungkol sa tanyag na alamat ng buhol ni haring Gordeo. Walang ibang impormasyon ang makakalap hinggil sa akdang ito.