Mahomet y Constanza
Mahomet y Constanza
Tungkol sa Nawawalang Akda
Isang kontrobersyal na komedya na hindi itinanghal habang buhay pa si Balagtas. Unang itinanghal sa bayan ng Palanyag (ngayo'y lungsod ng Parañaque) sa kaarawan ng fiesta ng kanilang patron. Ayon kay H. Cruz, ang huling nakahawak ng libretto nitong nawawalang akda ang isang G. Simeon Luz, isang kapitan ng isang bayan sa Batangas. Ayon sa kapitan, natagpuan niyang gisi-gisi ang manuskrito at inayos na lamang niya ito.
Patungkol sa pakikipaglaban ng mga Griyego para makamit ang kanilang kalayaan mula sa pananakop ng Imperyong Otomano noong 1821. Sina Mahomet at Constanza ay diumano totoong mga taong saksi sa karahasan at walang-awang pamamaslang at pananalasa ng mga Griyego sa kamay ng mga sundalong Turko na siyang naging matunog na balita sa buong mundo noong 1821. Maaaring itinuring ni Balagtas na subersibo ang akda dahilan sa ipinapaksa nito ang pakikibaka ng isang bayan laban sa mga sumasakop sa kanila, na tila sumasalamin sa maaaring kahihinatnan ng pananakop ng Espanya sa kolonyang Filipinas noong panahon ng manunulat.