Hatol Hari kaya?
Hatol Hari kaya?
Hatol Hari kaya?
………………………………………………
………………………………………………
………………………………………………
………………………………………………
Hanggang nalalapit ang kamatayang ko
nalalayong bagkus naman ang awa mo.
Alin pa ang hirap kaya sa sangmundo
na di tinitiis ng dahil sa iyo?
At kung mangyayaring mahiram ko pa
sa ganitong hirap ang puso ng iba,
sinandali ngayo’t upang magsawa kang
humabag sa pusong bihasang magbata.
………………………………………………
………………………………………………
………………………………………………
………………………………………………
Mga Tala
Ayon sa paglalarawan ni H. Cruz, itong dalawang taludtod ay bahagi ng isang kundiman na isinulat ni Balagtas habang siya ay nakatira sa Tundo (maaaring bago siya lumipat sa Pandacan noong 1835, o nang makalaya siya mula sa pagkabilanggo noong 1838), Maynila. Isinaulo at muling isinalaysay itong tula ng isang "ginoong magiliwing sa mga tulang tagalog at sa sariling wika".