Auredato y Astrome
o
La fidelidad de una mujer
Auredato y Astrome
o
La fidelidad de una mujer
Tungkol sa Nawawalang Akda
Isang komedya sa tatlong acto o yugto. Ayon kay H. Cruz, ang huling nakahawak ng libretto nitong nawawalang akda ang isang Gng. Maria Evangelista, biyuda ni G. Domingo Celis, empresario ng Teatro de Tondo na nakatanggap sa manuskrito noong 1870. Bawat acto ng komedya ay nakasulat sa isang aklat na gawa sa papel de Catalan na itinupi nang ang bawat pahina ay 1/4 ng isang buong pirasong papel de Catalan. Magkabilang mukha ng bawat dahon ay may nakasulat na teksto ng komedya. Ayon sa tala ni H. Cruz, ang magkasamang Acto 1 at 2 ay mayroong 38 dahon, at ang Acto 3 may 33 dahon.