Buklod ng Pagkakaiba SOGIE Bill Ipasa
Isinulat ni: Cyrelle Villianueva ┃Disyembre 4, 2024
4 HOURS AGO
Isinulat ni: Cyrelle Villianueva ┃Disyembre 4, 2024
4 HOURS AGO
Sa paglipas ng panahon ang bansang Pilipinas ay nagiging bukas sa pagtanggap ng ibat ibang uri ng mga kasarian at identidad tungo sa isang bukas na pakikibaka para sa pantay na karapatan ng mga kasarian sa lipunan kaakibat nito ang panawagan ng sambayan na nagsusulong ng mas inklusibong kinabukasan na ipasa bilang isang ganap na batas ang SOGIE Equality Bill na may layuning bigyan ng proteksyon mula sa diskriminasyon at pang aabuso ang mga kasapi ng LGBTQIA + community.
Ang SOGIE Equality Bill ay nagbibigay ng maraming opurtunidad sa ibat ibang larangan sa lipunan na kung saan mas nagkakaroon ng seguridad at proteksyon ang lahat ng kasarian. Ang panukalang ito ay hindi nagbibigay ng "special rights" sa mga kasapi ng LGBTQIA+ Community bagkus ang probisyon na ito ay para sa mga pilipino para sa tunay na pagkikilala sa kanilang identidad na isang ganap na kasapi ng lipunang kinabibilangan ng mga lalake at babae na may malaking parte sa pag-unlad ng ating bansa.
Mahagit na 20 taon na itong nabinbin sa kamara at naging isa na sa mga pinakamatagal na panukala sa kasaysayan ng kongreso kaya't hanggang sa kasalukuyan ay patuloy itong isinusulong upang maging daan sa paglaya ng mga nakadenang bahaghari. Sa kasalukuyan hindi naging madali ang pakikipaglaban sa karapatan sapagkat maraming kailangan isa alang-alang at pagdaang mga kritisismo mula sa ibat ibang pananaw ng mga tao.
Malaki ang papel ng SOGIE Equality Bill sa pagpapaigting ng respeto at pagtanggap sa inklusibidad. Sa pamamagitan nito, tinutugunan ang mga isyu ng pang-aapi at pang aabuso na madalas nararanasan ng LGBTQ+ community. Dapat nating tandaan na ang pagiging magkaiba ay hindi dapat iniiwasan kundi dapat pinagmamalaki sapagkat sumasalamin ito sa ating pagkakakilanlan.
Ngunit, may ilang sektor na bumabatikos sa pagpasa ng batas na ito. Ang mahalaga ay maunawaan natin na ito'y naglalayong itaguyod ang karapatan ng lahat, hindi lamang ng iilang grupo. Sa kasalukuyan dapat tayong magkaroon ng EduAKSYON “Edukasyon at Aksyon sa identidad” bilang tugon sa mga maling akala at pekeng balita upang maging malinaw sa karamihan ang kahalagahan ng panukala at kahulugan ng pagsuporta sa mga kasapi ng komunidad ng LGBTQIA+.
Hindi lamang ito isang usapin ng LGBTQIA+ Community, kundi isang usapin ng bawat isa sa atin na nagpapaalala na tayong lahat ay may ginagampanang papel sa ating lipunang ginagalawan para sa isang makatarungang kinabukasan .