Labanan ng mga Paddle: Natalo ang Todd-Newman sa larangan ng Pickleball laban sa Waters-Johns
Robert Greene | ika-9 ng Nobyembre, 2024 | 3:46pm
Robert Greene | ika-9 ng Nobyembre, 2024 | 3:46pm
Tila hindi umayon ang tadhana sa koponan ng Todd-Newman nang matalo sila ng Waters-Johns. Nanaig ang galing ng hampas ng kanilang kalaban sa larangan ng Pickleball nang hindi na nila magawang makaahon sa kanilang pagkakalunod sa mga iskor na kanilang nakuha.Â
Sa naging labanan ng mga paddle noong 2023 PPA Atlantic Open Mixed Double Championship, ang mag-partner na Todd-Newman ay nagawang maipanalo ang unang round sa entablado ng Pickleball laban sa Waters-Johns.
Ngunit, mukhang pinatikim lang sila ng pagkapanalo nang sunod-sunod na silang tambakan ng kanilang kalaban sa ikalawa hanggang sa championship match. Pinakita sa kanila ng Waters-Johns ang mala-kidlat na mga atake nito dahil sa bilis, lakas, at taas ng kanilang mga palo na hindi kayang tapatan ng Todd-Newman. Gayunpaman, nakangiting tinanggap ng koponan ang kanilang pagkatalo at nagpapasalamat ng higit pa sa langit sa lahat ng sumuporta sakanila.