Waters-Johns, pinakita ang kulay rosas na halimaw sa larangan ng Pickleball laban sa Todd-Newman!
Robert Greene | ika-9 ng Nobyembre, 2024 | 4:00pm
Robert Greene | ika-9 ng Nobyembre, 2024 | 4:00pm
Matagumpay na nairepresenta ng Waters-Johns ang kayang gawin ng mga rosas nang kanilang talunin ang tambalang Todd-Newman sa larangan ng Pickleball noong nakaraang 2023 PPA Atlanta Open Mixed Doubles Championship.
Nagkaroon ng labanan sa entablado ng Pickleball ang dalawang koponan na sina Waters-Johns at Todd-Newman. Una pa lamang ay hindi na nagpatinang ang dalawang koponan, ngunit hindi na nagawang makahabol ng Waters-Johns sa iskor nilang 8-11, kaya tuluyang naipanalo ng kanilang kalaban ang unang round.Â
Sa pagkatalong ito, ang tambalang Waters-Johns ay tila napagpasyahang huwag nang bigyan ng pag-asa ang kanilang kalaban na muling makapuntos sa ikalawang round. Kahit na nakalusot ang isang puntos ay tagumpay na napabagsak ng koponan ang Todd-Newman at tinapos ang laro sa isang malalang iskor na 1-11.
Nanatiling panalo ang Waters-Johns sa ikatlong round at sa championship match, pinatikim nila sa kanilang kalaban ang hagupit ng kanilang mga pang-malakasang smash at volley. Sa huli, pinagdiwang ng koponan ang kanilang tagumpay at buong-pusong nagpasalamat sa lahat ng sumuporta.