Wagi ang tambalang Waters-Johns sa 2023 PPA Atlanta Open Mixed Doubles Championship!
Robert Greene | ika-9 ng Nobymbre, 2024 | 1:30pm
Robert Greene | ika-9 ng Nobymbre, 2024 | 1:30pm
Nangibabaw ang kulay rosas sa entablado ng Pickleball nang mag-wagi ang tambalang Waters-Johns sa naganap na 2023 PPA Atlanta Open Mixed Doubles Championship. Kanilang pinabagsak ang koponang Todd-Newman at hindi na pinagbigyang makabawi nang tapusin ang laban sa iskor na 1-3 (8-11,11-1, 11-6,10-3).
Ang tambalang Todd-Newman at Waters-Johns ay nagkaroon ng nag-liliyab na paghaharap sa ilalim ng arawan, sa larangan ng Pickleball. Ang parehong kulay na itim, rosas, at pula ay namamayagpag sa bawat hampas ng kanilang mga paddle.
Sa unang round ng kanilang paghaharap ay ramdam na ng mga manonood ang tensyon na namamagitan sa dalawang koponan. At kahit na naka-itim ang tambalang Todd-Newman ay hindi ito naging hadlang sa init na nararamdaman nila para maipanalo ang unang round ng laro. Drop-shot ang naging atake ng koponan para tapusin ang laro sa iskor na 8-11.
Ginulantang ng Waters-Johns ang lahat nang magpakawala sila ng sunod-sunod na atake sa kalabang koponan. Tila naging ulan ang puntos ng koponan nang matapos ang ikalawang round sa iskor na 1-11.
Dahil sa tensyong mas lalong namamagitan sa apat na manlalaro, ang ikatlong round ng laban ay nag mala-kidlat sa tindi ng kanilang mga hampas at sunod-sunod na hindi pagbitaw sa bola. Kanilang ipinamalas sa bawat isa ang kanilang mga tinatagong halimaw sa katawan ngunit hindi natinag ang tambalang Waters-Johns at nanatiling panalo sa ikatlong set. Pinabatid nila sa kanilang kalaban na mas matindi ang kanilang mga halimaw nang kanilang tapusin ang laro sa isang maangas na drop-shot at 6-11 na iskor.
Hindi pa dito natatapos ang pagbibigay impormasyon ng dalawa at lalong binigay ang buong lakas sa championship round. Nag sanib-pwersa ang dalawa pati na rin ang kanilang mga halimaw sa katawan ng ibaon nila sa lupa ang iskor na tres ng kanilang kalaban. Isang malakasang smash ang ibinigay ng Waters-Johns para tapusin ang ika-apat na round. Nagpartisipa na silang isarado ang laro sa iskor na 3-10.
Tagumpay na naipabatid ng koponang Waters-Johns ang kanilang lakas sa kanilang kalaban at nakuha ang titulo bilang kampeon sa Pickleball Mixed Doubles 2023 Championship. Sa huli, taos-pusong nagpapasalamat ang magkaparehong koponan sa lahat ng sumuporta at manonood.