Isportalks: Pagyamanin ang Larong Pickle Ball!
Robert Greene | ika-9 ng Nobyembre, 2024 | 2:46pm
Robert Greene | ika-9 ng Nobyembre, 2024 | 2:46pm
Sa bawat hampas ng paddle ay kasabay ang mala-kidlat na bilis ng palo at mala-ibon sa taas ng bola? Kung iisipin kung anong isports ito, hindi imposibleng isagot ng karamihan ay tennis, table tennis, o ‘di naman kaya’y badminton, ngunit lingid sa kaalaman ng iba, mayroon pang isang isports na hindi masyadong kilala, ang PICKLEBALL.
Ano nga ba ang Pickleball? Ang isports na ito ay kahalintulad lamang ng ibang laro na ginagamitan ng paddle. Ito ay pinaghalo-halong elemento ng tennis, table tennis, at badminton. Nagsimula ito sa United States noong 1965 at mabilis na naging popular dahil sa pagiging madaling matutunan at angkop para sa lahat ng edad.
Ang larong ito ay kinakailangan ng dalawang tao para sa singles o apat na katao para naman sa doubles. Ito ay gumamit ng makinis na mukha na paddle para tamaan ang butas at guwang na plastic ball sa 34-inch-high (0.86 m) net hanggang sa hindi maibalik ng isang panig ang bola o makagawa ng paglabag sa patakaran.
Ito ay unang nilaro sa Bainbridge Island, Washington, U.S ng mga unang nakadiskubre na sina Joel Pritchard, Bill Bell, at Barney McCallum. Matapos makilala noong taong 1965, ang larong pickleball ay naging isang popular na isports sa lugar ng Pacific Northwest na rehiyon sa United States, at mas lalong naging kilala sa iba’t iba pang mga lugar.
Nitong nakaraang taon (2023), nalaman na umabot na sa 13.6 milyon ang mga manlalaro ng Pickleball sa United States. Ayon sa Sports and Fitness Industry Association, ang larong ito ay kinilala bilang pinakamabilis na isports na naging popular noong taong 2021, 2022, at 2023. Sa pagiging popular ng larong ito, magkakaroon na ng paligsahan sa larangan ng Pickleball sa labas ng United States. Isa na rito ang Australia at India na pinaghahandaan na para sa 2025/26 season.
Dahil sa pandemya ng COVID-19, maraming tao ang naghanap ng mga paraan upang manatiling aktibo sa labas ng bahay habang pinapalakas ang kanilang immune system. Dahil sa social distancing at ang mababang-contact nature ng pickleball, maraming tao ang nagsimulang maglaro ng sport na ito. Bilang resulta, ang pickleball courts ay naging mas abala, at ang bilang ng mga manlalaro ay patuloy na tumaas. Ang larong ito ay naging isang instrumento para magkaroon pa rin ng komunikasyon ang mga tao sa kabila ng pandemya na kanilang naranasan.