Nasaan ang Kaban ng Taumbayan?
John Locke | ika-9 ng Nobyembre | 5:23pm
John Locke | ika-9 ng Nobyembre | 5:23pm
Sa katatapos lang na pagdinig, napag alaman na mayroong perang ibinigay ang dating Bise Presidente Sara Duterte sa tatlong opisyal ng DepEd at ang isa dito ay nakakatanggap ng dalawangput limang libong piso tuwing buwan.
Kung patuloy nating hahayaan ang mga perang nawawala sa ating gobyerno maaring wala na tayong magamit na pondo para sa ibang proyekto.
Kung talagang wala silang kasalanan, bakit ang mga ito ay hindi na naman makakadadalo sa ika-limang pagdinig sa lunes? Dahil ayon sa Bureau of Immigration, ito ay aalis patungong Amerika.
Base sa ginawang acknowledgement receipt ng mga ito tila minanipula nila mga resibo, dahil pareho lang daw ito ng pag sulat at ang iba dito ay walang pirma.
Kung ang mga ito ay hindi mananagot sa kanilang pangungurap sa gobyerno, maaring ito ay patuloy nilang gagawin sa susunod na mga panahon. Gaya ng ginagawa nila ngayon sa atin, hindi na natin alam kung ano ang ginawa nila sa pera ng bayan.
Kung gusto natin matigil na ang ganitong gawain dapat mas maging mahigpit tayo sa pagbibigay ng pondo. Upang hindi na masayang pa ang pera ng bayan.
Itigil natin ang pagkuha ng pera ng taumbayan, gamitin natin ito sa bayan hindi sa sa pansarili lamang.