50,000 piso, Kapalit ng Ginawang Atraso
J.K. Rowling | ika-9 ng Nobyembre | 6:00pm
J.K. Rowling | ika-9 ng Nobyembre | 6:00pm
Sa isang katatapos lamang na pagdinig sa Kamara de Representantes, ay isiniwalat ng dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, na si Gloria Mercado, ang di umanoy pamumudmod ng pera ng bise presidente, Sara Duterte, sa ilang mga opisyal ng nasabing kagawaran na umaabot sa humigit kumulang 50,000 piso.
Sa gitna ng pag-aalala ng publiko sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang pagkalugmok ng ekonomiya, nag-aalab ang kontrobersiya sa di-umano’y pamumudmod ng pera ng Bise Presidente na si Sara Duterte. Bagama’t hindi pa ito napagtitibay ng mga awtoridad, ang mga alegasyon at iilang mga pruweba ay nagdulot ng matinding pagtatanong at pag-uusisa sa publiko.
Ang mga alegasyon ng pamumudmod ng pera ay naglalagay ng malaking panganib sa ating demokrasya. Kung hindi mapapatunayan at mapaparusahan ang mga nagkakasala, magiging normal ang ganitong gawain at magiging mas mahirap ang pagtataguyod ng isang malinis at patas na sistema ng politika.
Ang pamumudmod ng pera ay isang malinaw na paglabag sa batas at sa mga prinsipyo ng demokrasya. Dapat nating ipagtanggol ang ating demokrasya at labanan ang anumang anyo ng korupsyon sa politika. Ang ating boto ay ang ating boses, at dapat nating tiyakin na ito ay hindi mapapabili ng pera. Ang iyong boto ang gawing boses para sa pagbabago, hindi para manahimik at makalimot sa mga atraso.