Wala naman akong maisip na pwede ilagay dito patungkol sa sarili ko, siguro idaan ko na lang sa kwento.
INTROVERT
Ako yung tipong taong mahiyain, takot sa mga tao kaya di ko talaga hilig lumabas.. mas kampante ako pag nag iisa, nakakapag isip ng maigi, nagugulat na lang yung iba pag ako yung nagsalita na, walang humpay, dahil gaya ng sinabi ko, ako yung tipong nakakulong lang mag isa kaya pag nagsalita akala wala ng katapusan parang nakatakas sa hawla na gustong lumipad ng malaya. Kaya minsan naiisip ng ibang tao, napaka yabang ko. Naku po pasensya na, ganun lang ako.. pero ang totoo nyan, mabait ako, palatawa.. palaimik talaga ako, pag tinanong lang naman doon pa lang ako sasagot ng kung ano ano.
WEBSITE
Noon pa man hilig ko na gumawa ng sites... wapsite pa lang ang tawag namin wayback 2003 sa mga site na may chat.. usap usap, forum.. ganun lang ang ginagawa.. walang maririnig kundi hacking.. cellphone lang gamit namin sa pag gawa ng site.. kung di ako nagkakamali ang Goecities ay pag aari ng Google at inari ng Yahoo. Yun site na ang gandang gumawa ng site na parang Google Sites lang din. Wapsters ang tawag namin sa mga taong gumagamit ng cellphone na may access sa mga WAP SITE.. at nung marami nang WEBSITE, pumasok ang NETIZEN, mga taong may access na sa NET gamit INTERNET sa kanilang phone at Computer..
Ang totoo nyan, yung scissor, stone at.. ano naba tawag doon? Bato Bato PiK! ganun, actually mga wapsters galing yan.. may mga ibang wapsite kasi na palaro yan na online... ganyan kasimple buhay ng wap noon na NET na ngayun. May mga bagbabatikos na noon sa mga naka online asaran.. pero hindi nahahantong sa gaya ngayun na pinasukan ng Cyberlibel daw.. Sample ng mga pinag uusapan namin noon, ay yung tungkol sa TV na pwedeng gamitin ang Nokia phone, basta may OPEra mini ok na. Sa Opera mini naman kailangan kasi e modify, lagyan ng server ang loob..
WAP (Wireless Application Protocol)
Basic na lang sa amin ang free WAP.. kanya kanyang paraan kung paano maka access ng net na walang bayad. Dati, pwede namin ma access ang mga CCTV gaya ng Baguio, Manila.. na ginagamit sa traffic. Gamit lang phone namin, nasisilip namin. Masaya noon.
Tapos syempre, taga ibang bansa naman pag may problema noon, tinutulungan namin.. kahit hirap mag english tuloy parin..
Sa amin sila nagtatanong, actually sa mga cellphone user di pa uso sa kanila sa hacking sa network, mga gumagamit lang computer ang mga mahilig sa hacking. Kami kung papaano lang i bypass ang Tarrif charge..
(buti na lang nakita ko pa old chat namin year 2005, 19 years na nakalipas ito)
Love Life
Pag dating naman sa Love Life??? Ha? Failed ako. Pero syempre di ko pinag sisisihan ang lahat, nandyan na yan eh... minahal ko naman silang lahat at alam nila yun. Mapag mahal ako, pero pag nasaktan.. lumalabas ang pagka Aquarius sign ko.
Activities?
sa ngayun nag eenjoy ako na lumakbay gamit ang motor.. di ko alam bat naiba ang hilig ko. Syempre ang salitang nag iisa.. nandon na naman ang ugali ng isang introverted.
ang "nag iisa", malayo sa mga tao at maiingay.
Pero teka, bakit may artesta?
Sagot: Kasama namin sa riders Club yarn.
Other Activities?
Minsan napapasama sa mga Community Service gaya ng Coastal Cleanup, kasama mga buddy natin.
Pumasok ang WAP Sociaty noong year 2000, medyo mas maaga kesa sa Friendster.. and Friendster ay nagawa noong year 2002 while AIRG noong 2000. tapos, kaming mga pinoy ay nagsisigawa ng kanya kanyang site. Gamit ang phone. Kung di ako nagkakamali ang bayad sa net noon ay Per Kilo Byte.. 8 pesos per kilo byte sa globe. Tapos naging per minute ang tarrif.
Naghanap ako ng site na pwedeng maipakita sa inyo na ang lahat ng ito ay totoo.. Siguro yung mga chat na lang namin noon.. gaya nyan nasa baba, may date dyan year 2004. User name ko yan, tapos may makikita kayong wapsites sa gilid naka saad budz.mw.lt ginawa naman yan noong 2002.. buhay pa yan gang ngayun. tapos na e diclare year 2003, ilang buwan din kasi bago matapos.. biruin nyo phone lang gamit sa pag gawa ng Wireless Markup Language (WML). Yan po ang language gamit sa pag gawa ng WAPSITE.. tapos hanggang sa napalitan na ng HTML. ..
http://budz.mw.lt